Chapter 59

51K 982 95
                                    

59

Allison's POV

[Pababa ka na ba ?]

Hindi na ako nag-alangang magtext sa kanya dahil akala ko ay sandali lang siya sa loob, pero 30 minutes na siyang nandoon at hindi pa rin siya bumababa.

Akala ko ba ay sandali lang ? Nasaan ang sandali na sinasabi niya ?

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.

[Almost done. Will go down in a bit.]

Hindi pa rin naka-save ang number niya sa phone ko pero siya lang naman ang unknown number na nagre-register sa cellphone ko kaya, alam kong kay Joshua galing ang message na yon.

Napangiti ako. Okay, I'll wait.

Naging mas maingay ang lobby dahil bumukas na yata ang isa sa mga elevator at nakalabas na ang mga sakay nito. Pinagmamasdan ko ang mga empleyadong kahit empleyado lang sila ay talagang mga mukhang mayayaman.

Hindi ko rin masabi kung sino-sino ang may matataas na posisyon sa kanila dahil halos lahat ay mukhang may mataas na posisyon dito sa building na ito. Ang ilan ay nalilingon ako at nangingitian saka nagbubulungan.

Napapakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano. Kaya hindi ko napigilang palihim na tumingin sa screen ng cellphone ko. 

Wala naman akong dumi sa mukha, baby. Pero bakit ganon sila ? 

Nailang ako at hindi na muling pinansin pa ang mga taong nadadaanan ako. Muli akong humugot ng hininga at umaasang sana ay dumating na si Joshua. Pero kung hindi ay, baka mauna na lang ako para masimulan ko na ang paghahanda sa conference na gustong mangyari ng daddy niya. Aba ! Hindi biro ang gusto nilang mangyari at kulang na kulang na ako sa oras. Dagdagan pa ng anak niyang hindi ko alam kung nagtatrabaho ba o nagpapalipas lang ng oras. Tch.

Pero napangiti ako ng muling maalala ang mga nangyari kanina sa shoe store. Damn it. Hindi ko maiwasang kiligin lalo na ang paghawak niya sa bewang ko.

I'm so sorry, baby. I ... I just missed him a lot. 

Hindi nawala ang ngiti ko habang panakaw na tinitingnan ang mga taong nagdaraan at baka sakaling dumating na si Joshua. Pero, agad ding nawala iyon ng makita ang dalawang taong naglalakad palabas ng bulding.

Masayang-masaya silang dalawa habang hawak-hawak na naman niya ang kamay ng girlfriend niya. Unti-unting nadurog ang puso ko. Ngiting-ngiti si Joshua habang hindi maalis ang titig niya sa matangkad at magandang babaeng kasama niya.

Shit.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Kung ano'ng gusto niyang mangyari ? Akala ko ba ay hihintayin ko siya dahil pupunta kami ng mall para mamili ng mga dresses ko at kumain ? Pero ano to ? Kaya ba siya natagalan dahil naghanda siya sa obvious namang magiging date nila ng girlfriend niya ? At ako ? Kinalimutan na niya ako ? Nawala na sa isip niya na nandito ako at naghihintay sa kanya dahil sinabi niya ?

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon