Chapter 13

51.6K 641 51
                                    

13

Natigilan ako ng makita kung paano lumayo si Joshua habang nakapamulsa.

"Hala te, nagselos ang prinsipe mo !" bulong ni Sherrie.

Napalunok ako. Teka lang. Eh ano'ng gagawin ko ? Bastusin si Charlie at magwalk out na lang bigla ?

"Kawawa naman si papa Josh. Amp. Siguradong nagselos yun." sabi ng isang estudyante.

"Oo nga. Tara sundan natin, for sure malungkot yun." sabi pa ng isa.

At nakita ko kung paano umalis ang ilang estudyante para sundan si Joshua.

"Hayaan niyo siya. Diskarte ba ang hanap niya ? Eh sa ganito ako dumiskarte, eh." sabi ni Charlie. Natingnan ko ang mga bulaklak. At saka nalingon si Sherrie na napanguso. Ano'ng gagawin ko ? Tsaka akala ko ba sabay kaming magla-lunch ?

Lumapit sa amin si Brix. "Ano pare, wala man lang bang libreng pakain pagkatapos kitang tulungan sa panghaharana mo ?" biro nito sabay tawa.

Tumawa din si Charlie at pabirong sinuntok ito. "Gago. Eto na nga, eh. Ali, tara na. Kain na tayo." yaya sa akin ni Charlie at hinatak ang braso ko.

Hindi ko napigilang lingunin ang daang  tinungo ni Joshua ng mag-walk out siya. Saan kaya siya pumunta ? 

Pagdating namin sa canteen, agad naagaw ng atensyon namin ang isang malaking kumpol ng mga estudyante sa gitna ng canteen kung saan sila nakaupo. Narinig namin ang tawanan at tilian.

"Ali, ano'ng gusto mo ?" tanong ni Charlie.

"H-Ha ? Ah ... Ako na lang." sagot ko.

Pero nginitian niya ako. "Alam mo namang hindi pwede sakin yan, di ba ? Sige ako na lang bibili ng pagkain mo, ha. Hintayin niyo na lang kami dito. Upo na kayo ni Sherrie." giit ni Charlie.

Hindi ko na siya sinagot. "Halika dito, te. Dun tayo sa may gilid. Ano kayang meron ?" hatak sa akin ni Sherrie sa may kaliwang bahagi ng canteen at doon nga kami naupo. Nakikita din namin dito ang pinagkakaguluhan ng mga estudyanteng nakapalibot.

At napalunok ako ng makita si Joshua, kasama si Carrie at ang mga kaibigan nito.

"Sabi na nga ba at si Josh na naman ang pinagkakagaluhan." sabi ni Sherrie.

Hindi naging magandang balita para sa mga laman loob ko ang tanawing iyon. Para silang nasuka, at nagwewelga sila hindi sa kasiyahan, kundi dahil hindi nila iyon nagugustuhan. Sumisikip na rin ang dibdib ko. Napangiwi ako dahil hindi iyon maganda sa pakiramdam.

Bakit ganito ang feeling ko ?

Naibaba ko ang boquet ng red roses sa lamesa. "Hay naku, Ali. Ang haba ng buhok mo. Pero mukhang selos na selos nga si Josh kay Charlie dahil tingnan mo o. Todo simangot kahit nilalandi na siya nila Carrie." sabay nguso ni Sherrie kay Joshua na totoo namang, hindi nga ngumingiti, pero ang gwapo pa rin ng aura niya kahit, nagsusuplado na ang hitsura.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon