Chapter 12

55.7K 634 79
                                    

12

Malaki ang ngiti ni coach Gonzales ng sabihin ko sa kanya ang 'pagpayag' ko. Mabilis siyang nagpasalamat sa amin, at sinabing may practice na agad sila Joshua next week.

"Ano, masaya ka na ?" tanong ko sa kanya ng umalis na sila coach.

Pero sinimangutan niya lang ako at umiling.

Ano bang kinakaganyan niya ? Dahil ba sa gutom na siya at hindi ko sinamahan ? Inuusig na ako ng konsensya ko. Kasalanan ko daw kung bakit nagkakaganyan siya. Pero seriously, may paa at kamay naman siya para kumain mag-isa di ba ?

Eh alam mo namang ikaw yung gusto nung tao, kaya malamang ikaw ang gustong makasabay nun.

Muli kong naalala ang sinabi ni Sherrie. Napanguso ako. Tss. Pero binigyan naman na siya ng cheesecakes at mango juice ni Carrie, ah. Bakit kailangan ko pang ma-guilty ?

"Pumasok na tayo sa loob. Baka pagalitan pa tayo ni prof." yaya ko at nauna ng pumasok pabalik sa room. Tahimik naman siyang sumunod. At muli kong naramdaman ang mga matang sinundan at hinatid kami hanggang sa mga upuan namin.

"Ano Josh, are you in ?" usisa ni Mr. Gomez.

"Ano te, bakit ka pinatawag ?" tanong naman ni Sherrie.

"Yes, sir." sagot ni Joshua.

"Eh bakit pinatawag pa si Alison ? Ano siya, muse niyo ?" sigaw ng isang kaklase naming si Armand.

Nalingon ko ito at sinamaan ng tingin. Muse ka dyan ! Nag-peace sign naman siya sa  akin na akala mo nakakatuwa. Tss.

"Oy, pwedeng-pwedeng maging muse tong friend ko, no. Di ba sir ?" sang-ayon naman ni Sherrie.

Napangiwi ako at natingnan ang kaibigan kong hindi ko na maintindihan. "Ano ba, Sher." mahina kong saway. Hindi ba sila nahihiya sa prof namin ? Akala mo barkada lang kung makapagtanong eh. Nasaan ang respeto ?

Nakita kong ngumiti si Mr. Gomez habang nagbubuklat ng page ng libro. "Ms. Cervantes has really the potential. She's way prettier than she knows." sagot ni sir at natingnan ako. Yuck ! Kadiri ! Kung makatingin naman tong si Mr. Gomez, akala mo teenager. Hoy sir ! Alam kong singkwenta anyos ka na. Pakiayos naman ng marespeto pa kita. Tss.

"She's not pretty. Because she's the most beautiful girl that my eyes ever seen, next to my mother." sabat ni Joshua.

And it's like, my jaw dropped.

"Uyyyyy ! Ang swerte talaga ni Ali o !" asar ng mga lalaking classmates namin.

Nanahimik naman ang mga girls at ng tingnan ko, masama na naman ang tingin sa akin, lalo na si Carrie.

"Grabe te ! Ang haba-haba na talaga ng buhok mo ! Hindi ko na makita ang dulo. " humahagikhik na sabi ni Sherrie.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon