Chapter 30

45K 572 49
                                    

30

Allison's POV

Wala akong nakitang guard na nakabantay at hindi rin naman naka-lock ang entrance gate kaya agad kong binuksan iyon saka nagtuloy-tuloy papasok ng Mon Tout. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta kanina habang takbo ako ng takbo para takasan sila Mama pero, agad kong naisip ang lugar na ito kaya agad akong naghanap ng jeep para masakyan.

Maliwanag pa rin naman ang lugar kahit na umuulan pa dahil sa mga bilog na street lights na nakapalibot sa buong paligid. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi nakalock ang gate pero hindi ko na binigyan ng big deal ang bagay na yun at sa halip ay dumiretso sa munting kubo na nakatayo sa may dulo ng mga tulips na ngayon ay nababasa ng ulan.

Medyo blurry na ang paningin ko dahil sa mahapding mga mata na umiiyak pa rin hanggang ngayon na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan. Kinusot ko iyon ng kinusot ng kahit papaano ay luminaw ng kaunti ang mga nakikita ko.

Nilakad ko pa ng ilang hakbang ang papuntang kubo. Lamig na lamig na rin ako dahil kanina pa ako naliligo sa ulan. Sinubukan kong itulak ang pintuan ng kubo, at agad iyong bumukas. Medyo nagulat pa ako dahil ang ganda at ang linis sa loob. Agad kong isinara ang pinto at nagkulong sa kubong iyon.

Nayakap ko ang sarili habang tahimik na umiiyak kasabay ang malakas na ulan. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Hindi ko na talaga kayang dalhin yung sakit. At ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang umiyak ng umiyak. Nakakatawa mang isipin na hindi pa rin napapagod ang mga mata ko sa kakaiyak, pero siguro ay makakatulong na rin ito kahit papaano para mabawasan ang sama ng loob ko. Pagkatapos kasi ng pag-alis ng tatay ko at ang pagmamakaawa ko sa kanya na huwag siyang umalis, iyon na ang naging huling iyak ko.

Umiyak ako dahil umalis siya. At ngayon, umiiyak na naman ako dahil sa pagbabalik niya.

"Bumalik siya para sa yo !"

Mas lalong napalakas ang paghikbi ko ng mabilis na rumehistro sa isip ko ang sinabi ni Mama kanina.

Gusto ko silang tawanan kanina kahit hindi naman dapat dahil alam kong kasinungalingan lang ang lahat. 

Bumalik para sakin ? Huh ! Nagpapatawa ba siya ? Bumalik ? Pero bakit ngayon lang ? Bakit hindi kinabukasan nung iniwan niya kami ? Bakit naghintay pa siya ng 13 taon ? Bakit hinayaan niya akong tuluyang mawalan ng ama ? Bakit ?!

"Waaaaaaahhhhhhhhhhhhhh !!!!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Malakas akong sumigaw ! Sinigaw ko lahat ng sakit at sama ng loob ko sa tatay ko ! Bakit hinintay niya pa ang 13 taon ?! Bakit pinadanas niya muna sakin ang lahat bago niya ako balikan ?! Bakit wala siya nung kailangan ko ng ama ?!

Mas lalo pang lumakas ang paghagulhol ko sa bawat sigaw na ginagawa ko. Gusto ko na lang makalimot. Gusto kong magka-amnesia. O kaya maaksidente at ma-coma. Gusto ko mawala lahat ng alaala ko. Yung tipong burado lahat. Walang natira kahit pinakamaliit na detalye. Para wala na ring matirang sakit. Wala na akong mararamdaman na galit at sama ng loob. 

Unti-unti na ring bumigat ang mga talukap ng mata ko dahil sa sobrang pagod hindi lang ng katawan, pati na rin ng isip ko na hindi tumigil sa kakaisip kung ano ng mangyayari ngayong gusto ng bumalik ng tatay ko sa buhay ko.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon