Chapter 42

38.5K 529 46
                                    

42

"When you say you love me, know I love you more. When you say you need me, know I need you more."

Allison's POV

Ako daw ang hinahanap ni Charlie ? Pero bakit ?

"Please, Allison. Puntahan mo na siya, kahit sabihin mo lang na umuwi na siya. Baka makinig sa yo. Sobrang miserable na nung tao, eh. Please. Ikaw lang talaga ang pwedeng tumulong sa kanya." patuloy na pakiusap ni Jack.

Pero may usapan kami ni Joshua na hindi na ako pwedeng makipag-usap sa kanya o makialam sa kanya.

Natitigan ko si Jack. Bakas ang pag-aalala nito sa kaibigan. Nakakunot ang noo habang naghihintay ng sagot ko.

Napabuntong-hininga ako at hinanap ng mga mata ko si Sherrie na nandun sa may di kalayuan at nakikipagtawanan sa isa sa mga classmates namin.

"Allison, last na to. Hindi na daw siya manggugulo pagkatapos nito. Puntahan mo lang siya ngayon. Dahil kung si Trinity ang sasabihan ko nito, wala siyang magagawa para kay Charlie. As in wala."

Nalingon ko si Jack. "S-Sige. Pero kailangan kong dalian. Dahil sigurado akong hahanapin ako ni Joshua at Sherrie mamaya." pagpayag ko kahit medyo nag-aalangan talaga ako.

Kapag nagpaalam naman kasi ako kay Sherrie, hindi rin yun papayag dahil pinagbilinan yun ni Joshua. At mas lalong wala namang pag-asang pumayag ang engkantong gwapo na yun kung sakaling sabihin ko yun sa kanya.

Pero sana nga, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Charlie, ito na ang maging huli. At sana, ayusin na niya ang relasyon niya kay Trinity para maging masaya naman ang girlfriend niya.

Tumango si Jack. "Oo wag kang mag-alala, ihahatid kita pabalik dito pagkatapos. Malapit lang din naman yun dito, eh." sang-ayon ni Jack.

Mabilis kaming umalis ni Jack ng hindi napapansin ni Sherrie. Naglakad kami papuntang gate.

"Ano bang nangyari ? Bakit siya nag-iinom ?" tanong ko.

"Hindi naman bago ang dahilan niya, Ali. Mahal na mahal ka ng taong yun. Hindi ka niya kayang kalimutan." sagot nito.

Napalunok ako. Ako pa rin ang dahilan. Damn.

"Pero syempre, hindi naman niya pwedeng ipilit yung feelings niya sa yo, di ba ? Masaya ka na sa iba, at alam naming hindi yun kayang gawin ni Charlie. Ilang beses na namin siyang pinagsabihan, pero wala pa rin. Ayaw niyang makinig. Naaawa na rin kami kay Trinity. Ang kaso may sayad din yata ang isang yun, alam naman niyang panakip butas lang, ayaw pang makipag-break. Haist ! Bakit ba ang daming baliw sa pag-ibig ? Kaya ayoko mag-girlfriend eh ! Ang sakit sa ulo ! Tss." reklamo ni Jack.

Nanatili akong tahimik. Dahil tama naman si Jack. Tama siya na hindi kayang gawin ni Charlie ang saya na binibigay sakin ni Joshua ngayon. Alam kong magiging masaya ka lang kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero kung sapilitang pagmamahal lang yan, magiging miserable lang kayong dalawa.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon