Chapter 28

46K 578 34
                                    

28

Joshua's POV

"Yes, hello ?"

"Where were you ? We need to talk, damn it !" hindi ko talaga maiwasang maasar, I wanna go back to Antipolo. And now daddy's telling me that I can't and we'll be in Davao, for real.

Narinig ko ang pang-asar na tawa ni Jacob sa kabilang linya.

"We're already talking, dear brother. What's your problem now, huh ?" tanong nito.

"You don't know it, do you ?"

"Ang alin ba ? Just spill it, okay ? Busy ako, nang-iistorbo ka, eh."

"I badly want to go back to Allison. Ikaw na lang ang sumama kay Dad." pakiusap ko kay Jacob.

Kaya ko nga mabilis na tinapos ang 'business' ko dito para makauwi din ako agad ng Antipolo, hindi ko na nga pinaabot ng 3 araw eh. Tapos ngayon, pipigilan ako ng tatay ko para lang isama sa problemang kailangan niyang ayusin sa kabilang dulo ng Pilipinas ! Why can't he bring one of his assistants ?! Bakit ako ? Bakit hindi si Jacob ? Dahil ano, ako ang panganay sa aming dalawa ? Dahil kailangan ko na ring matrain for future management ng mga negosyo namin ?!

Ugh. Hindi ko kailangan ng training ngayon. Hindi ko kailangan ang advance ideas ng business management. I fucking wanna go home to Allison. I want to see her so bad and be with her again.

Mas lalo pang nagngitngit ang damdamin ko ng marinig ko ang muling paghalakhak ng kakambal ko, na mas malutong kesa sa tawa niya kanina.

"I knew it, Josh." at tumawa pa.

"You know what ? There's nothing funny with what I'm saying so, shut the fuck up okay ? ... Nakakairita yang tawa mo, Jacob." at tuluyan na akong napasimangot.

"Oh easy ... Masyado kang frustrated, eh. Magkikita din kayo ni sister-in-law. Additional 3 days nga lang ... I can't, Josh. Mas nauna kasi ang pabor nila Lolo Chris and Sonny na bumisita sa Surigao. Bukas na din ang flight namin, eh. I'm sorry, but I can't help you at this time." paliwanag ni Jacob.

Humugot ako ng malalim na hininga. Oh damn. Wala talaga akong pag-asang makauwi bukas.

"Okay." at wala sa loob na pinutol ko ang tawag.

"No, dad ! I can't. Babalik na ako bukas ng Antipolo. Ang dami-dami niyong assistants, bakit ako pa ? At wala pa naman akong masyadong alam sa management." reklamo ko agad matapos niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit di ako makakauwi agad ng Antipolo.

"That's why you should come. Para magkaroon ka na ng idea kung paano mo ihahandle ang mga negosyong inihanda namin ng mommy mo para sa inyo. In additional, I can't let my assistant do this. I want to personally handle this problem now because they can't resolve it." paliwanag ni daddy.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon