Chapter 5

67K 773 72
                                    

5

Seryosong tumindig ang balahibo ko sa narinig ko mula sa kanya. Literal akong natigilan, at parang nawalan ako ng ulirat. No. Hindi totoo yun. Pinaglalaban ako ng isip ko sa namumuong pag-asa ng puso ko. Mabilis na naman kasi ang pagtibok nito. Be wise enough, Alison. Wise enough.

Sakto namang may dumaan ng jeep. At agad akong sumakay ng hindi siya nililingon o kaya ang mga kapitbahay naming, kasabay din namin. Hindi ko rin alam kung narinig din ba nila yung sinabi ni Joshua. Ayokong lumingon dahil alam kong mamumula na naman ang mukha ko. At baka ikayabang pa yun ng bwisit na lalaking to.

Nandito ako sa dulo umupo. At alam ko, kahit hindi ko alam kung paano nangyayari to, siya ang katabi ko. Shit. Ang init talaga ng balat niya. Ayaw ko mang magkadikit ni kahit katiting ang mga balat namin, hindi ko magawa dahil siksikan, at unang araw pa naman ng eskwela kaya punuan. Bwisit ! Ang bango-bango naman ng lalaking to, ang sakit sa ilong.

At gusto ko ng lumipat, dahil ayaw ko talaga siyang katabi. Nagiging abnormal ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit ako sa kanya. Whenever he's just next to me. No Ali. It's not healthy. Makapagpa-check up nga mamaya dahil baka may diperensya na ang puso ko.

"Ali, magkano pamasahe ?" malambing na tanong niya. Oh adgjmptw ! Wala akong naintindihan sa tanong niya dahil ang tanging pansin ko lang eh yung lambing at husky ng boses niya.

Napakunot-noo ako at hindi siya pinansin. Hah ! Yan ang mapapala niya sa pagsabay sakin. Pero napataas ako ng kilay ng makita ang nakapakong mata at atensyon ng halos lahat ng mga babae dito sa jeep sa banda namin. Alam niyo yung, kahit yung babaeng nakaupo sa may kabilang dulo na malapit sa pintuan ng jeep eh, naagaw ang atensyon at parang tanga na nakatulala sa banda namin. I knew it. Si attention stealer ang nakakapagpanganga sa kanila ng ganyan. Ang dami-dami ko ng codename sa lalaking to. Lahat yun pambwisit. Pero bakit wala man lang epekto ?

Gusto kong umiling. Pero hindi na lang ako nagreact pa. Tss. "20 lang, Josh." pacute na sagot ng sigurado akong isa sa mga kapitbahay namin.

Gusto ko siyang lingunin at taasan ng kilay dahil alam ko namang nagpapapansin sila dito kasi nga gwapo. Pero ano bang pakialam ko ? Wala naman. Kaso lang obvious kasi ang kanilang pagkagusto. Yung tipong nagkakandarapa. Desperadong makuha. Tss. Oa ha. Basta talaga gwapo, halos halikan na ng langit ang lupa makuha lang ng mga ito ang tipo nila.

Hindi ko sila tinapunan ng tingin. Pero ramdam ko ang pagngiti niya sa mga kasabay namin. Shit. Bakit naman parang ang lakas ng pakiramdam ko sa kanya ? Narinig ko ang pagtawa ng mga babae. Yung tipong nililigawan, sinasabihan ng pick-up lines na jologs. Yung binobola. Woa ! Please manong. Pakibilisan ang pagmamaneho. Atat na talaga akong makaalis dito. I really can't stand this.

Agad kong binuksan ang sling bag ko para kumuha ng pamasahe, pero natanga ako at sumabit ang napaso kong kanang kamay sa bakal ng bag ko. 

Oh shit ! Malakas na napamura ang utak ko ! Woa. Ang sakit-sakit lalo ! Halos mapapikit ako. Parang may nagmarka. Dumaan sa dulo ng bakal ang balat ko, parang nahiwa. Oh damn it ! Ano bang problema mo, Alison ?! Umagang-umaga palpak agad ?!

Hindi ko naman matingnan kung may sugat yun dahil katabi ko ang engkantong to at ayaw kong mapansin niya ako kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng wallet ko para magbayad.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon