Chapter 17

49.2K 769 114
                                    

17

"Eh bakit naman po ? Nasaan ka ba ?" kunot-noo kong tanong ng tumawag si Mama.

Hindi na niya kasi ako pinapunta sa palengke para magtinda pagkatapos kong makarating sa bahay.

"Eh kasi nga nandito ako sa Farmers at may kinukontratang bagong supplier. Baka gabihin ako dito, anak. Mauna ka na lang kumain, ha."

"Ma naman. Dapat po hinintay mo na lang ako para masamahan kita."

"Ali, malaki na ako. Bakit ba kailangan mo pa akong samahan ? Sige na, anak. Magtetext na lang ako kapag pauwi na ako, okay ?"

Nag-aalala lang naman kasi ako. Buti sana kung hindi cubao yun, eh madami pa namang siraulo. At gabi na pa naman. 6pm pa man din naman. Tss.

Pero wala akong choice kundi ang hintayin na lang siya. Susubukan ko na ring gawin ang reporting sa Phil. Consti since nakahiram naman ako ng libro sa library kanina.

Naupo ako sa may upuan namin dito sa sala at hinarap ang libro ng Phil. Consti at notebook para makapagresearch na ng para sa reporting namin sa Monday. Pero hindi pa nga ako nakakapagsimulang magbuklat ng page ng may kumatok sa pintuan.

Agad kumalabog ang puso ko dahil nagkaroon agad ako ng idea kung sino ito. Damn it ! Bakit naman siya ang unang pumasok sa utak ko eh busy nga sa ibang babae, di ba ?

Napailing ako at sinubukang hindi pansinin ang pagkatok. Ano, Alison ? Ilang araw ka na bang ginugulo ni Joshua ? Ilang araw ka na bang nangungunsumi sa pag-iisip sa kanya ? Ilang araw mo ng parang gustong sumabog at tanungin kung totong mahal ka niya at gusto ka niya talaga dahil hindi mo na siya mapaniwalaan sa tuwing kasama niya ang ibang babae lalo na ang Valerie na yun na may tinatago din palang bitchiness sa katawan. I mean, hindi ko akalaing ang bitch niya pala dahil kilalang approachable at friendly siya sa lahat. Ano yun, nagiging bitch ka dahil lang sa lalaki ? Well, siguro nga pwedeng humantong sa ganon. Kaya pwede ko din siyang intindihin. Dahil halata naman sa kanya na may gusto siya kay Joshua.

Pero ang katotohanang nakita ko silang magkasama at mukha pang masaya eh, sobrang sakit pala. As in.

"Tao po ! Alison ? ... Tao po !" tawag niya.

At napamaang ako ng tama nga ang hinala ko. Shit. Si Joshua nga. Ano ? Talaga bang seryoso na tong nararamdaman ko sa kanya at sobra kung mag-assume ang puso ko na siya nga ? At tumama naman ? Siya na lang ba ang pwede kong i-expect ? Ang hintayin ? Ganon na ba kalalim ang nararamdaman ko na sa ganon kaikling panahon eh, siya lang ang pwede kong hanapin ?

"Alison ... Alam kong nandyan ka sa loob. Alison ..." tawag niya at patuloy pa siya sa pagkatok.

Really, there's a part of me na gustong-gusto siyang makita. Ilang araw na kaming hindi nagsasabay sa pag-uwi, at ganon din sa lunch. Ilang araw na din siyang tahimik at malamig ang trato sa akin. Ilang araw na kaming ganito to think na nagliligawan pa lang kami. Dinaig pa namin ang mag-syota na nag-LQ. At inaamin kong namimiss ko siya. Sobrang miss na.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon