Chapter 23

49.3K 562 66
                                    

23

"Pero may pasok ka." sabi ni Joshua pagkatapos marinig ang idea ko ng "Run Away."

"Sige na, bukas lang naman, eh." pamimilit ko. Ito ang first time na aabsent ako sa klase para lang sa ganitong bagay. Pero gusto ko lang talagang takasan kahit sandali yung sitwasyon sa bahay. Yung away namin ni Mama. Yung sama ng loob ko sa kanya.

Ito ang unang pagkakataon na naging ganito kami. Na naramdaman ko to sa kanya. Na mas pinaniwalaan niya ang ibang tao ng ganon kadali kesa ang piliing pakinggan muna ang sariling anak niya.

Di ko na nga mabilang kung ilang beses ng paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya kanina at gusto ko ng maiyak ulit sa inis dahil parang nananadya na dagdagan ang kirot sa dibdib ko ng dahil sa mga salitang yun. Pinipilit ko namang huwag isipin eh. Pero mukhang overwhelming lang talaga ang mga sinabi niya at nagulantang ang mundo ko. Ni hindi ako nakapaghanda na pwede palang mangyari to. Na kahit gaano kaimportante ang taong yun, dadating at dadating sa puntong masasaktan mo siya. Na kahit ano'ng ingat ang gawin mo, meron ka pa ring isang pagkakamaling magagawa sa kanya na tatatak at mananatali hindi lang sa utak niya, kundi na rin sa puso niya.

"I really do think you should talk, Ali.  Alam kong nagulat lang si Mama sa nalaman niya kaya niya nasabi yun. At alam kong hindi naman niya sinasadya. I know how much she loves you. Nakita ko kung gaano kayo kasayang dalawa. And I hate knowing this right now. That's why you need to hear out each other. And I am willing to explain to her what really happened. Involve din ako dito, at gusto kong magkaayos na agad kayong dalawa. Isa pa, ayoko namang umabsent ka para lang takasan to. Pwede naman nating gawin to kapag wala ka ng pasok, eh. Hindi kailangang maapektuhan ang pag-aaral mo sa problemang pwede namang solusyunan agad." payo niya.

Napalunok ako. Why do I have this feeling na sobrang laki ng disappointment ko ? Eh nareject lang naman ako. Sa pangalawang pagkakataon, nareject na naman ako ng De Asis na to.

Shit lang. Just a little escape. That's all I'm asking. And for the record, he did reject me again ! Wow.

"Hindi mo ko naiintindihan, Joshua. Sige, salamat na lang."

"Mahal ko, ikaw lang ang inaalala ko. Please, wag kang magalit sakin. Gusto ko lang na magkaayos kayo. Promise, aal---"

"Wag kang mangako. Please, wag na wag mong gagawin yan. Ayoko ng mga pangako. Lalo na kung hindi naman matutupad. Sige na. Maaga pa ako bukas." at agad kong pinutol ang tawag saka naisubsob ang mukha sa unan habang hinahayaang tumulo ang mga luha na kanina pa talaga gustong kumawala.

Muli kong narinig ang pag-ring ng cellphone pero agad ko na ring tinanggal ang battery nito. Ano pa bang tinatawag-tawag niya ? Ang kumpirmahing galit ako dahil hindi niya mapagbigyan ang simpleng pabor ko ? This is a total shit. Lalo lang nadagdagan ang sama ng loob ko.

Dahil sa nanay ko ... At dahil sa napakabait kong boyfriend.

***

Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari kagabi. Kaya naman ng tumuntong ang 6am, agad akong bumangon para kumain. Maaga na lang akong aalis kahit pa 9am pa ang pasok ko. Didiretso na lang ako ng simbahan, at mag-iisang tatakas sa araw na to. Tutal eh, ayaw naman akong samahan ng taong, inaasahan kong mapagbibigyan ako ngayon. Nakakainis lang kasi kailangan ko pang umasa, eh dapat naman talaga hindi. Ito tuloy ang napala ko. Dagdag sakit sa dibdib.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon