Chapter 10

57.9K 717 100
                                    

10

Sa ayaw at sa gusto ko, gaya ng sinabi niya eh nag-aral nga kami ng magkasama. Magkasama naming sinagutan ang assignments namin sa 4 naming subjects.

Nasaan na kaya si Mama ? Parang hindi na siya lumabas sa kusina. Tapos na kaya siyang magluto ? Nagugutom na rin kasi ako, eh. 1 oras din naming sinagutan ang mga assignments namin.

"O ayan, tapos na ! Pwede ka na sigurong umuwi." parinig ko. Pareho pa rin kaming nakasalampak sa floormat ng sahig.

Nalingon ko siya at nahuling nakatitig sakin at nakangiti. Oh God ! Nagtatalunan na naman ang aking mga laman loob sa tyan. Ang perfect lang talaga ng ngiti niya, kasing perfect ng pagmumukha. Picturan ko kaya to at ibenta sa school ? Panigurado kikita ako ng malaki dahil ang dami-dami agad niyang babae.

Wahahahaha. Mukhang magandang idea yun, ah. Tama ! Minsan nanakawan ko ng picture to para ibenta sa mga schoolmates ko.

"Ano'ng ngini-ngiti ng mahal ko ?" tanong niya.

Natigilan ako. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako dahil sa ideang pumasok sa utak ko. Sinalubong ko ang mga mapupungay niyang mata.

"Wala. May iniisip lang. Umuwi ka na." taboy ko.

Pero parang nagpoprotesta na naman ang aking mga laman loob at parang ayaw pang pauwiin ang kinagigiliwan nila.

"Sige uuwi na muna ako. Pero patingin muna ng sugat mo." sang-ayon niya.

Napanguso ako. "Bakit kailangan mo pang i-check ? Okay lang naman yan. Sige na uwi na, nagugutom na ako." reklamo ko.

Pero wala na naman akong nagawa nung kunin niya ang kanang braso ko at tingnan ang parteng may band aid. Inalis niya iyon at sinipat kung hindi na ba ito namumula.

Gusto kong maghyperventilate dahil sa pagkakahawak niya. Ang init na naman sa pakiramdam ng paraan ng paghaplos ng balat niya sa balat ko.

"Kailangan mong palitan ng band aid to para mabilis gumaling. Teka, may band aid ka ba dyan ? Bibili na lang ako mapalitan natin agad ..." sabi niya.

"Wag na ! Kaya ko naman bumili eh. Ako ng bahala dyan. Lilinisin ko na muna." tanggi ko.

"... O sige. Late na rin naman. Ayokong puyatin ka pa, maaga pa tayo bukas sa school. Basta wag mong kalimutang linisan, ha ..." at natingala ako para tingnan. Tanging tango lang ang naisagot ko dahil sa mga titig niya.

At Diyos ko po ! Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa sunod niyang ginawa. Hinaplos niya ng marahan ang paligid ng sugat ko. And I do tell you, that it's freaking hottt !!! Shit, ano bang meron sa kamay niya at bakit ganito kadumi ang pakiramdam ko sa tuwing dumadapo ang kamay niya sa balat ko ? Parang may gusto pa siyang gawin bukod sa paghagod ng balat ko sa paligid ng sugat.

At nakakapanghina sa pakiramdam.

"Ali, Josh, tapos na ba kayo sa mga ginagawa niyo ?" agad akong napatingin kay Mama na nasa harapan na pala namin.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon