Chapter 47

34.7K 651 122
                                    

47

Allison's POV

Matagal din akong nanatili sa ospital para lang hintaying magising si Papa pero sinadya daw talagang patulugin ng nurse si Papa para mapabilis ang paggaling ng concussion niya. Mas makakatulong daw kung mas mahaba ang oras ng tulog ng pasyente.

Hindi ko na rin naabutan si Lauren sa loob, at si lola na sabi nga ni Mama ay agad na sumugod pagkatapos mabalitaan ang nangyari. Pero mas mabuti ng hindi ko na sila naabutan. Kahit ano'ng sabi ni Mama na hinahanap niya ako para makita at makilala, hindi pa rin ako handang harapin ang taong naging dahilan kung bakit miserable ang mga magulang ko noong mga panahon nila.

Hindi ko na lang binanggit kay Mama ang nangyari. Wala na akong sapat na lakas para pag-usapan pa ang bagay na yon. Lalo na kung hindi ko pa rin matanggap na siya ang step sister ko. Sa lahat ng tao, bakit siya pa ? Bakit siya pa na sinasabing totoong girlfriend ni Joshua ? Bakit ?

Kung nung unang beses na sinabi ni Papa na meron akong kapatid sa ama, nasaktan ako, oo. Pero mas lalo yata akong nasasaktan ngayon sa isiping ang step sister na meron ako ay ang babaeng isa sa mga dahilan kung bakit wasak na wasak ang puso ko.

Iniisip ko pa lang kung paano sila nagsama ni Joshua ay palalim ng palalim ang sugat at kirot sa buong pagkatao ko.

"Ali, magpahinga ka na. Umuwi ka na muna anak. Dahil siguradong bukas na magigising ang Papa mo. Isa pa, hindi ka na nakapasok ngayon. Baka magkaproblema ka nyan sa eskwela. Sige na, ako na muna ang magbabantay dito." sabi ni Mama sa akin.

"Pero Ma, hin---"

"Anak, wag ng mapilit. Sasabihin ko naman sa Papa mo na naghihintay ka at siguradong matutuwa yun. Tatawagan kita kapag nagising na siya, okay ? Pero kailangan mong pumasok, Allison. Baka mapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Okay na rin naman siya, eh." dagdag pa niya.

Pero gustong-gusto ko siyang hintayin na magising. Ayokong umalis sa tabi ng tatay ko. Nagkaroon na ako ng pagkakataon kanina pero, pinaalis ako ni Lauren.

Natingnan ko si Mama at bumuntong-hininga. "Sigurado po ba kayong ayos lang kayo dito ? Pwede naman akong mag-stay dito, Ma." tugon ko.

Ngumiti ng matipid si Mama. "Oo, anak. Ayos lang ako dito. Sige na, para makapagpahinga ka na. At mas matutuwa ang Papa mo kung papasok ka bukas. Wag ka ng masyadong mag-alala, okay na rin naman siya, ligtas na siya, Ali."

Napilitan akong tumango. At tumayo na. Kumakalam na ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain, pero alam ko sa sarili ko na wala akong ganang kumain. Sinulyapan ko si Papa sa huling pagkakataon at saka nagpaalam kay Mama bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Nanghihina akong naglakad sa hallway para sumakay na ng elevator pababa ng ground floor. Malaki ang pasasalamat ko sa Dyos dahil ligtas na ang tatay ko. Gusto ko na lang siyang makausap ngayon. Yun lang ang gusto kong gawin para mabawasan yung sakit.

Natingnan ko ang cellphone na hawak ko na walang tigil sa pagvibrate. Hinayaan ko lang ito hanggang sa manawa at tumigil din pagkatapos ng ilang minuto.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon