Chapter 43

38.3K 604 92
                                    

43

Allison's POV

Pinilit kong imulat ang mga mata ko ng maalimpungatan ako sa kaunting ingay na iyon. Naging malabo ang imahe na nakita ko sa may paanan ko kaya kinusot ko ang mga mata ko.

At doon ko nakita si Joshua na nagsusuot ng pantalon pero wala pa rin siyang pang-itaas na damit at kitang-kita ko kung gaano ka-perpekto ang abs niya na kanina lang ay hinahawakan ko habang ...

Oh my, Allison ! Stop what you're thinking !

Wala sa sariling nakagat ko ang labi ko habang pinapagilitan ang sarili sa nabubuong imahinasyon sa utak ko.

Pinagmasdan ko si Joshua. Balisang-balisa ang kilos niya at parang nag-aalala. Minamadali din niya ang paghila ng kanyang pantalon pataas at tila may hinahanap sa paligid. Ano'ng problema ?

"Josh ?" 

At doon niya ako natingnan na para pang nagulat ng makitang gising na ako.

"Mahal ko ..." malambing niyang sabi at agad siyang sumampa sa gilid ko para halikan ako sa noo. Tanging kumot pa rin ang nagtatakip sa hubad kong katawan ngayon.

"... Mabuti na lang at gising ka na." 

"Aalis ka ba ? Bakit parang nagbibihis ka ?" tanong ko sa kanya.

Natitigan niya ako. Bakas doon ang sobrang pag-aalala niya. Pero bakit ?

"Ali, I'm sorry but I have to go. Ano kasi, sinugod sa ospital yung lolo ko. I really need to be there. Tinawagan ako ng kap---, ng nanay ko kanina. Puntahan ko daw muna siya at alamin ang lagay. S-Siya lang kasi mag-isa dun eh." natataranta niyang sagot.

Oh shit. Nasa ospital ang lolo niya ?

"Oh God. Sana maayos lang siya ngayon. Gusto mo bang sumama na lang ako sa yo ? Iti-text ko na lang sila Mama na ---"

Pero mabilis siyang umiling. "No. You don't have to. Alam kong pagod ka pa, kaya dapat magpahinga ka na lang. It's just 3 am in the morning, you have to rest, baby. Kaya ko namang bumyahe mag-isa. I just need to be there." tanggi niya.

Napalunok ako. 3 am in the morning ? May masasakyan naman kaya siya sa ganitong oras ? Madaling-araw pa lang.

"G-Ganon ba ? N-Nag-aalala lang naman kasi ako. Tsaka, masyado pang maaga at baka wala kang masakyan. Delikado ang ganitong oras, Josh. Eh kung mamaya ka na lang kaya umalis, kahit mga 4am ? Para su---"

Again, he cut me off.

"Ali, I'm sorry but I really need to go. It's okay, I'll be fine. I'm going to call you once everything is okay in the hospital. I'm going to call you, baby. Pero salamat sa pag-aalala, promise mag-iingat ako para sa yo, mahal ko." at dinampian ako ng halik sa labi.

His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon