Chapter 42: His Side Story

Start from the beginning
                                    

"You—" maang na napatingin dito si Josh. Ako man ay namangha nang marealize ko kung anong nasa harap namin. It's the layout of the entire warehouse!

"Well, we've been here for almost a month so it's not really surprising to memorize all the doors and hallways here. In-estimate ko na lang kung gaano kalaki ang mga rooms base sa kung paano ko siya na-visualize mula sa labas at saka ko inilapat sa drawing," kaswal lang na sabi ni Sean habang nakapamulsa.

"Ang galing mo naman Sean! Paano mo ginawa 'to?" mangha ko pang tanong sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito bilang sagot.

Naupo ito at saka itinuro ang tatlong magkakahiwalay na hallways sa drawing. "I'm not sure kung alin sa tatlong hallways na 'to nandoon ang exit. Hindi pa kasi kami nakakapunta sa pinakadulo ng mga 'to, pero itong room na 'to," itinuro nito ang room na nasa ikatlong hallway. "Malakas ang kutob kong may exit dito."

"Tama siya. Sa tuwing napunta kasi diyan yung mga lalaki, hindi na sila nabalik pa. Ibig sabihin, may ibang exit silang dinadaanan mula doon, di ba?" pagsang-ayon ko.

"Isa pa, hindi nila kami pinapayagang magdala ng mga bagahe sa loob ng room na iyon which I think, is very suspicious," dagdag pa ni Sean.

"Pero hindi pa din natin sigurado kung doon nga ang daan palabas,"sabat naman ni Paolo.

"We'll never know if we won't try,"sagot ko naman sa kanya.

"Let's create some plan then," nakangiting sabi ni Josh sa'min.

Maaga pa lang kinabukasan ay bumangon na kami at saka nag-usap-usap ng mga dapat naming gawin. Napagpasyahan naming bumuo ng tatlong maliliit na grupo para alamin kung alin sa tatlong pasilyo nandoon ang daan palabas. Dalawang myembro bawat grupo ang nabuo namin—kami ni Josh, Sean at Paolo at sina Sammy at Rommel na mga kaedad din namin.

"Ang iba ay magsisilbing lookout para hindi tayo mahuli, okay?" nakapameywang pang sabi ni Paolo. Sumang-ayon naman kaming lahat at maya-maya pa'y dumating na ang mga lalaking nakaitim. Dinala na nila kami sa warehouse para gawin ang nakaugaliang trabaho namin.

Para hindi makahalata ang mga bantay ay isa-isang grupo ang kikilos para puntahan ang naka-assign sa kanilang hallway. Kapag pabalik na ang dalawa ay saka pa lang pwedeng kumilos ang sunod na grupo.

"Kinakabahan ako," may pag-aalalang bulong ko kay Josh. Pilit lamang itong ngumiti sa'kin at saka tiningnan na sina Sean at Paolo na pasimple nang pumuslit sa pinakaunang hallway.

"Magtrabaho kayo ng maayos! Huwag kayong tatamad-tamad!" sigaw ng malaking lalaking tinatawag na 'Romeo' ng mga kasamahan. May baril itong laging nakasukbit sa beywang niya at panay ang hithit ng sigarilyo.

"Ericka, may tanong ako," pasimpleng bulong ni Josh habang nilalagyan ng lamang mga kahon ang push cart.

"Ano yun?"

"Magmula nang dukutin kayo ng mga lalaking iyan, wala man lang bang nagtangkang tumakas maski isa sa inyo?"

"Meron, pero hindi na sila nakakabalik pa sa'min," napahigpit ako sa hawak kong kahon at saka malungkot na tumingin sa kanya. "Nababalitaan na lang namin mula sa mga bantay na may ilan kaming kasamahan na sumubok tumakas pero hindi na nakalabas pa ng buhay."

"Even Sean failed?"

"He never attempt to escape before. Sabi kasi niya wala naman daw pagkakaiba kahit makatakas siya dito o hindi. He was still alone."

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now