Chapter 42: His Side Story

Start from the beginning
                                    

"Anong ginawa mo?"

I looked at my hand and on the body that was on the floor. Both were covered in some thick, dark crimson, wet substance.

"I-I don't know..." nabitawan ko ang hawak kong kutsiyo na puno ng dugo. Parang nanghihina na napaluhod ako at saka ko dahan-dahang tiningnan ang katawang nasa harap ko. Gayon na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino siya.

"S-Sean... o-oh my God! P-Pinatay ko ba siya?"

Nanlalambot na napaupo ako sa may sahig. Hindi ako makapaniwala sa alaalang pumasok sa isip ko. I was the one who stabbed Sean.

Pero bakit?

"A-Anong nangyari?" nanghihinang sambit ko.

"Hindi mo pa din ba maalala?" dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa kanya. His cold and dark eyes were like sharp daggers, its penetrating my defense, making me weak.

Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang sobrang pananakit nito. It's as if a chisel is curving on my insides, sculpting some art, deepening its every cut. Parang sasabog na ang ulo ko anumang sandali dahil sa samu't saring pumapasok dito.

"Few days after the newcomers came, we had our very first escape attempt."

"A-Ahh..." usal ko dahil sa biglaang pagpitik ng kung ano sa loob ng ulo ko. Napaluhod ako sa sakit.

"We could have successfully escaped, if he did not do something unplanned."

"A-Anong—"

"Hindi mo naitatanong eh may genius tayong kasama dito!" lumingon ako sa kasama niya na mataman lang na nakatingin sa'min.

"Genius?"

"I'm sure he had memorized all the doors earlier that we have entered as well as all the possible exits kaya sure akong chicken lang ang pagtakas natin dito!" confident pa nitong sabi.

"Heh... kaya ba parang wala lang sa inyo na nakidnap kayo at nadala dito?" nagulat ako nang bigla na lang sumabat si Sean sa pag-uusap namin.

"Yeah. Hindi ito ang first time na nadukot kami kaya wala ng bago dito. Besides, every now and then Josh needs something like this to stimulate his brain cells."

"Josh?"mahina kong tanong.

"He's Josh, my bestfriend."

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng mahihinang mga tawa. Napalingon kami kay Sean na tumatawa habang nakapameywang at nakatingin kay Josh.

"Oi, anong itinatawa-tawa mo diyan?" tanong ni Paolo dito.

"Sigurado ba talaga kayo na kaya niyong tumakas dito?"sa isang iglap ay naging seryoso ang mukha nito, the typical Sean that everyone knows.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko—"hindi na natuloy pa ni Paolo ang sinasabi dahil mabilis na lumapit si Sean sa harap ni Josh.

"Have you seen what's inside that door?"gulat akong napatingin kay Sean dahil sa biglaang tanong nito kay Josh.Hindi naman nakasagot agad ang huli dito.

"What door?" tanong ni Paolo. Mukhang saglit na napaisip si Josh at pagkatapos ay seryosong tumingin pabalik kay Sean.

"Are you referring to the door at the end of the third hallway?"Ngumiti naman si Sean at pagkatapos ay may kung ano itong kinuha sa pinakasulok ng kwarto. Maya-maya pa'y inilatag nito ang isang may kalakihang papel na may drawing na parang layout ng bahay.

ALTERSEVENWhere stories live. Discover now