#1: She's the Beauty of the Beast

Start from the beginning
                                    

"Shhh, tahan na anak makakabuti rin naman sayo tong gagawin namin." Sabi ni Mama sakin habang inaalo ako, tumingin ako sa kanya "Sino po ba yun? Isa po ba sa mga Tito ko?" tanong ko kay Mama, tinignan niya lang ako tapos tumingin siya kay Papa, napatingin naman ako kay Papa, hindi siya nakatingin sakin at tsaka nagsalita "Your husband", and with that napanganga ako sa sinabi niya at parang huminto ang oras sa paligid ko.

No way!

"Pa wala namang ganituhan, nagjojoke ka na eh," mahina kong sabi, kahit alam kong seryoso si Papa, he's serious about everything, pero this time umaasa ako na joke lang yung pagpapalayas niya sakin at yung husband thing na yun. "Hindi pa naman ako eighteen eh," I smiled weakly, may namumuo na namang luha sa mata ko.

"We'll talk about it next time, for now pumunta ka na sa kwarto mo. You're not allowed to go anywhere for one week" ani ni Papa, ignoring what I said. Napayuko na lang ako at tinitigan ang sahig habang nararamdaman ko na naman yung mga luha na namumuo sa mga mata ko. Napakagat ako ng labi para hindi nila mahalata na naiiyak na naman ako, "Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayong bata ka" dagdag niya pa at tsaka nagsimulang maglakad paalis. Unti-unti akong napaupo sa sahig at hinayaan na lang na tumulo na yung mga luha ko. Naramdaman ko ang yakap ni Mama habang inaalo ako, "Anak, we're very sorry para sa naging desisyon namin ng Papa mo, mahal ka namin anak para rin sa ikabubuti mo tong naging desisyon namin ha?" halos naglalambing na sabi ni Mama sakin.

I smiled bitterly. They think their decisions for my life are the best that's why they're ignoring mine.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama na nakahawak sa balikat ko at unti-unti itong tinanggal, feeling ko ngayon tuluyan ng napuno ng sakit yung puso ko. Parang gusto ko nang maniwala na hindi nila ako mahal. Dahan-dahan akong tumayo habang umiiyak pa rin, kung kanina naiyak ako dahil sa ayaw nila akong paniwalaan at sa sinabi ni Papa. Ngayon naiiyak ako kasi parang sumuko na ako sa paniniwala na magiging proud din sila sakin balang araw, na papakinggan nila ako.

"Gail anak..." sabi ni Mama, I ignored her, nakakapagod na talaga eh siguro kung alam ko lang na hindi nila ako anak tatanggapin ko pa yung ganitong pakikitungo nila sakin eh. Pero wala eh, anak talaga nila ako, legal na anak talaga nila ako. Gusto lang talaga nila na yung mga gusto nila yung masusunod.

"Anak..." tawag ni Mama ulit sakin, nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto, hindi ko na siya pinansin. Ang sakit lang talaga eh.

Nung nakarating ako sa kwarto ko ay agad ko itong nilock at napatakbo ako papunta sa kama at dumapa. Then I cried out loud.

Ang sakit sakit na talaga, ginagawa ko naman lahat para mapasaya sila eh, gusto ko silang maging proud sakin, sinuko ko na nga yung sarili kong kagustuhan at sinunod yung kanila pero hindi naman nila naappreciate yung effort ko, ang sakit lang talaga. Tapos ngayon, hindi nila ako kayang paniwalaan, hindi nila ako kayang pakinggan.

Kinuha ko yung isang unan ko at niyakap iyon nang mahigpit at lahat ng sakit na naramdaman ko mula noon hanggang sa mga sandaling ito, iniiyak ko na.

*Riririring*

Natigil ako sa pag-iyak nung narinig kong tumunog yung phone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita si Asha na tumatawag. Huminga ako ng malalim para mapigilang umiyak at tsaka sinagot yung tawag niya.

[Oh my ghad Gail, I'm so sorry, gusto kong pumunta diyan sa inyo ngayon para ako na lang ang mag-eexplain kay Tito ng nangyari, shit! Wala kang kasalanan, it's all my fault. I'm sorry Gail,]

Agad na sabi niya pagkasagot ko ng phone, heto na naman eh may namumuo na namang luha sa mata ko, grabe hindi pa ba sila mauubos? Ang sakit na kaya ng mata ko. Hindi na ako nakapagsalita, humihikbi na lang ako.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now