1st Petal

2.3K 69 13
                                    

•.•*'¨'*••

1st PETAL

•.•*'¨'*••

Nagtipon tipon sa isang mahabang hapag kainan ang pamilyang Crimson. Nakaupo ang lahat ng tuwid at mapapansin ang kakaibang pustura ng bawat isa.

Nakaupo naman sa pinakadulo ng mesa ang isang may edad ng lalaki pero kitang kita ang pagiging matikas ng katawan nito at istriktong mukha. Mababanaag din ang pagiging maawtoridad nito sa tahanang iyon. Habang sa magkabilang dako naman ng mesa ay nakaupo ang mga prinsipe ng mansyong iyon.

Tanging tunog lamang ng mahinang musika ang maririnig. Bumabalot sa buong hapagkainan ang tensyon. Ang mga katulong naman ay maagap na nakaalalay at nakaabang sa utos ng kanilang mga amo.

Hanggang sa mabasag ang katahimikan nang magsalita na ang haligi ng pamilya.

"Kararating ko lang pero samo't saring balita na ang umabot sa akin." Matigas na utas ng Heneral.

Nagkatinginan naman ang mga binata sa paunang salita ng kanilang ama.

"Stark!" Tawag nito sa panganay niyang anak.

Napalunok naman ang binata at napilitang ngumiti sa ama.

"Dad, I'm not doing anything against the law." Aniya.

Nagtagis ang bagang ng Heneral at binitawan ang hawak nitong bread knife.

"Hindi mo nga nilalabag ang batas pero ang batas sa tahanang ito ay lagi mong sinusuway! Ilang babae ba ang pinagsasabay sabay mo sa isang araw?! At hindi ka pa nakontento't ipinupuslit mo pa sa cabana!" Galit nitong turan.

"Sila ang dumidikit sa akin Dad, I'm just being friendly to them." pagpapaliwanag naman ng binata.

Napailing ang Heneral habang bumungisngis naman ang iba pang mga binata.

"I'm going to appoint you as the COO of the Caliber's Corporation at kapag nakapagclose ka ng isang multi-million account ay ipapacancel ko ang pagpapakasal mo kay Yumi. Yan nalang ang pinakasimpleng paraan para mabago ka." buong awtoridad na pahayag ng Heneral.

Namilog naman ang mata ng binata at napabulalas ng - - "Who the fuck is Yumi?!" tanong ng binata at halos mapatayo pa ito sa kinauupuan niya.

Ngisi naman ang ibinigay ng kanyang ama dahilan para kilabutan siya.

"Your soon to be wife." simpleng sagot nito.

"What?! You're not serious aren't you dad?" Namumula na sa inis ang binata pero hindi na siya pinansin pa ng kanyang ama at binalingan naman ang isa niyang kapatid.

"Silencer!"

Napaigtad ang binatang tinawag dahil sa malakas na boses ng kanyang ama. Aakalain mong nasa training grounds lang sila at kulang nalang ay sumagot sila ng, 'Sir, yes Sir!'

"Yes Dad?" sambit nito saka ngumiti ng alanganin.

"Kung si Stark ay nasobrahan sa pag i-entertain sa mga babae, ikaw naman ay nasobrahan na sa pangtataboy sa mga ito. Nakakailang daan ka ba ng babaeng inaaway araw araw ha?! You should be a gentleman towards them Silencer, 'cause a real man doesn't hurt a girl!"

Pangaral ng kanyang ama sa binatang nakangiwi na ngayon.

Nagsingisihan naman ang mga kapatid niya sa tinuran ng kanilang ama.

"Dad, a bitch resides inside those girls. Kung hindi flirt at whore, they were annoyingly stupid and simply irritating thick-faced girls!" maanghang nitong pahayag.

Napahugot ng malalim na hininga ang Heneral bago tiningnan ng matalim ang binata.

"You better change that attitude of yours kung hindi ay mapipilitan akong i-enroll ka sa isang all girls school at pagpanggaping babae para masanay kang makisalamuha sa mga babae!" Banta ng Heneral.

Green RoseWhere stories live. Discover now