Chapter 56: Another Past

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos naming maglinis ay pinapunta ko na si Paks sa Mama niya para makapagpalit ng damit kasi basa na ang likod niya. Ako namna ay pumunta na sa kwarto ko para makapagpahinga.

Ilang araw na rin akong walang balita kila Charles. Wala akong dalang celphone o kung anu man maliban na lang sa kaunting pera nung pumunta ako dito.

Hanggang kalian kaya ako dito?

Yun din ang tanong sakin ni Tito pero hindi ko naman masagot. Sana nandito si Joseph para may kasama naman ako pero hindi pwede. Busy yun sa pag-aaral niya sa seminaryo.

Pagsapit ng alas diyes ay lumabas na ako nung kwarto. Malapit nang magtanghali kaya naman ang araw ay tirik na tirik na. Ang sarap gumala sa labas pero mas maganda pa ring manatili lang dito. Nakita ko rin yung iilang taong pumapasok sa simbahan para magdasal lalo na dun sa may altar. Pumunta ako sa may kusina at nakita ko yung nanay ni Paks na may sinusulat.

“Aling Azon, ano po yan?” tanong ko sa kanya.

“Ikaw pala iha, nililista ko lang yung mga bibilhin ko ngayon sa palengke” bigla naman akong nakaisip ng ideya.

“Ako na lang po ang mamamalengke Aling Azon. Baka kasi mapagod kayo lalo na’t magluluto pa kayo” sabi ko dito.

“Sigurado ka ba iha? Nakakahiya naman”

“Naku, huwag niyo na po yung isipin. Ako na lang po ang mamamalengke”

“Oh siya, sige na nga” Yes! Binigay niya rin sakin yung lista maging yung pangbili. Aalis na sana ako nang bigla akong hinabol ni Paks “ATE SAMA AKOOO!”

“Ate sama ko! Ako po ang tagabitbit ng mga binili ni mama kapag nasa palengke kami” at dahil sa love na love ko ang batang ito ay sinama ko na siya. Sa mga oras na ito ay hindi naman masyadong matao sa palengke kaya ayos lang na isama ko siya.

Hindi naman masyadong marami ang naibili namin. Pinabitbit ko kay Paks yung magigian lang. At sikat pala si Paks sa bayan na ito dahil madalas daw nila itong makita sa tuwing nagsisimba sila.

“Ikaw pala yung pamangkin ni Fr. Ramirez” sabi sakin nung tinder matapos akong ipakilala ni Paks ditto. Nginitian ko na lang ito.

Nung pauwi na kami, nadaanan namin yung nagtitinda nung palamig.

“Ate, uhaw ako. Bili tayo nun” turo niya sa palamig.

“Oh sige pero ako na lang ang bibili kasi maraming tao. Dito ka lang okay?” iniwan ko siya dun sa may bench at bumili ng palamig. Bumili na rin ako nung para sakin kasi nauuhaw na rin ako.

Pagbalik ko sa lugar kung saan iniwan ko si Paks ay wala na siya. Nandun yung mga pinamili namin pero wala na dun yung bata. OMG!

“Paks!” Nasan ba ang batang yun.

Linagay ko muna sa bench yung dalawang baso ng palamig. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko siya nakita. NAKU! Lagot ako nito sa mga magulang niya. Sana pala hindi ko na lang siya sinama sa palengke at sana hindi ko na lang siya iniwan.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon