DC30

1.1K 27 4
                                    


Dear Crush,

           Hindi ko alam kung ano nang status natin? Kung may pag-asa bang magbago o hanggang dito na lang ito.
            Ang totoo niyan gusto kong magbago, magbago kasi pakiramdam ko hindi sapat na gan'to lang ako. Dapat siguro mas pahalagahan at mahalin ko muna ang sarili ko. Mahal kita at walang makapag-papabago no'n pero siguro may hangganan ang lahat. Lahat ng nagsisimula ay nagtatapos din. Kapag humakbang ka ay dapat wala ng balikan, wala ng urungan. Gusto kong itago na ang Diary kong ito na para sayo kasi, gusto kong buksan ang bagong diary ng buhay ko. Kung saan ako ang sentro ng kwento, tungkol sa sarili ko lang ang laman nito.
         Tungkol sa kung gaano ka natutunang mahalin ang sarili ko, dahil sabi nga na mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao.
          Hindi dahil tatapusin ko na ang pagsusulat ko sa'yo hindi ibig sabihin no'n ay tatapusin ko na rin ang pagmamahal ko sa'yo. Mananatili ka pa ring nandito, itatago ko lang ito dahil kung sakaling maging handa na 'ko baka sakaling balikan ko kung ano mang meron tayo.

                                     Nagmamahal,
                                         Narhian

~Last Letter~

Dear Crush (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora