DC15

359 18 0
                                    


Dear Crush,

          Hindi ko muna ininda ang posibilidad na mahulog nang tuluyan sayo,  inisip ko na lang ay ang maging masaya kahit panandalian lang.
          Malapit ng matapos ang taon na ito, kung kaya't nalalapit na rin ang araw na hindi na kita makikita siguro tama na rin yun.
           Hindi pa man narating ang araw ng bakasyon ay parang hindi na kita nakikita, hindi ko na nararamdaman ang presensya mo. Umiiwas ka sakin, nilalayuan mo 'ko.
Sobrang sakit, ang kirot sa dibdib.
Kagaya ng inaasahan ko,dumating na yung araw na nahulog na 'ko ng tuluyan at sobrang nasaktan kasi wala namang sumalo. Pwede sana kung nahulog ako tapos nahulog din sya kaso, ako lang yung nahulog tapos tiningnan niya lang kung paano ako mahulog tapos umalis na rin.
           May mas sasakit pa pala sa mahulog ng walang sumasalo nang malaman kong hindi mo na nga ako sinalo ay nagawa mo pang magkagusto sa iba. Oo, wala akong karapatan kasi kalayaan mong magkagusto kahit hindi ako pero karapatan ko rin namang magalit. Matapos mong magpakita ng motibo, pagkatapos mong mag paasa. Hustisya naman boy.

                                  Nagmamahal,
                                     Narhian

Dear Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon