DC13

372 17 4
                                    


Dear Crush,

           Sa lahat lahat ng subject, ang Math talaga ang pinaka-sinusuka ko. Ayoko talaga sa Math! Kahit magkabisado na lang ako mas gugustuhin ko yun kaysa sa magsolve na sa isang problem na iisa lang abg sagot. Hindi katulad ng iba, mayroon kang pagpipilian.
             Although mahina ako sa math, yung mga kagrupo ko ako pa rin ang piniling maging leader. For I know, papasalba lang naman sila. Naiinis pa naman ako sa mga pasalba-bida. Porket may kakapitan, patuloy na makikipag siksikan at sasampa. Porket may kakapitan ay magpapabuhat ka. Balita ko, magaling ka sa math paturo naman oh kahit isang gabi lang. Chos.
            Pinapunta kami ni Maam Imi sa faculty, lahat ng leader upang magreport ukol sa mga members namin. So far hindi ko naman naramdaman na nagpabuhat isa man sa mga member ng group ko kaya very good sila lahat sa'kin.
             Pagbalik ko sa 'kung upuan, nawawala yung songlist na hiniram ko kay Rico. Sabi sa'kin ni Lien kinuha mo raw at 'yon nga pinaglalaruan nyo. Baka masira, crush ko yung nasa likod niyan. "Akin na"sabi ko sayo, kaso lalo niyong pinagpa-pasahan at maya maya ay lumapit ka sakin at sinabi mo ang mga salitang "I love you? "
           Pwede na  ba 'kong kiligin? Kanina pa'ko nagpipigil no baka matae ako sa salawal nito mamaya.

                                     Nagmamahal,
                                        Narhian

           
            

Dear Crush (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz