DC25

345 17 2
                                    


Dear Crush,

           Ewan ko lang pero siguro nawalan ako ng gana sayo ngayong school year. I mean, siguro dahil na rin sa sobrang busy mas malaking responsibility ang kinakaharap natin ngayon kaysa noon. Next year magmo-moving up na at dagdag sakit sa ulo pa dahil tumakbo ako bilang Secretary ng Club sa Filipino. Sa sobrang stress, pagod, dami ng iniisip at hindi ka isa ro'n. Naisip nga lang kita ulit dahil sa nakita ko ang Diary na 'to.
             Ewan ko rin ah, pero ngayong taon na 'to parang ang daming taong dumating para sa'kin. Ligaw dito ligaw doon, sana naligaw na lang talaga sila hindi ako yung hinahanap hanap nila. I entertained them but still and always, into you. Wala 'kong pakealam, bahala sila dyan at hindi ko rin naman sila type no. Oo, may mga itsura kaso ayaw ng puso ko eh. Sayo lang daw sya.
           Sabi nga nang friends ko sakin, what if I tried? Na magmahal ng iba. Yung tipong mamahalin ako at mamahalin ko rin. Sabi pa nga nila, piliin ko yung taong mahal na mahal ako para sa bandang dulo hindi ako masaktan. Kaysa naman daw piliin ko yung taong mahal na mahal ko pero wala namang pakealam sa aking nararamdaman.

                                           Nagmamahal,
                                               Narhian

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now