DC14

379 17 0
                                    

Dear Crush,

           Ano bang nagawa ko para paasahin mo ako ng ganito? Pakisabi naman oh.
            Sobrang sweet mo, hulog na hulog na 'ko sayo hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Matagal akong nagisip, lalo na kanina. Naiyak pa nga 'ko e, kaso kailangang hindi nila mahalata kaya nagtago ako sa kurtina. Sobrang lungkot ko habang nakatingin sa kalangitan, pero masarap naman ang simoy ng hangin at malamig sa pakiramdam ko. Ewan ko ba? Kasi habang naroon ako, ikaw lamang ang naiisip ko kaya hindi matigil ang pagluha ko.
             Nakita mo'ko na naiyak, nagulat ako kasi tinabihan mo ko't tinapik ang likod ko para patahanin ako. May problema ako at ikaw yun, naiyak ako dahil sayo dahil sa kagagawan mo. Kahit na biniro mo pa 'kanina hindi pa rin nawawala ang sakit.
              Ayaw ko kasing umasa,natatakot akong tuluyang mahulog. Alam ko na malapit na 'kong bumigay pero kakayanin ko pa ring kumapit, kasi alam ko kapag nahulog ako nang tuluyan ay ibang sakit ang maaari kong maramdaman. Baka hindi ko makayanan.

                                         Nagmamahal,
                                              Narhian

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now