DC22

349 15 3
                                    

Dear Crush,

              Magtatapos na naman ang pasukan, pero bago yun mangyari JS muna. Kaya nga iniisip ko na, ano kaya ang magandang suotin? Ano kayang magiging ayos ko sa araw na 'yon?. Yung iba pino-problema nila yung kung sino ang partner nila, kung sino yung mga makakasayaw nila? Pati na rin kung sino ang magiging first and last dance nila. Iniisip ko rin naman yan, kaso okay lang kahit kaunti lang yung masayaw ko basta masayaw kita. Kahit mabilis lang basta magkasayaw tayo, yung magdidikit ang mga kamay natin tapos sasabay tayo sa tugtog. Pwede rin na yung kamay ko nasa batok mo at yung mga kamay mo nasa bewang ko, basta masayaw kita masaya na 'ko.
                Nung one time buksan ko sa messenger yung GC ng section natin, usapan nyo tungkol sa magaganap na JS agad ang nakita ko. Inaaya mong isayaw ka ng mga kaklase nating babae. Nagulat ako kasi minention mo 'ko at ang sabi mo "Isasayaw kita sa JS ah",gusto ko nang magbigti ng mabasa ko yan.
             At nagexpect talaga 'ko kasi sinabi mo,pero mali pala ako. The whole night was so boring and unpleasant for me at kasalanan mo 'yon. I looked really good that night, they said but I really dont care. Para saan pa yung pag aayos ko ni hindi mo naman ako napansin, kasi nasa kanya yung buong atensiyon mo. Ano ka niya Alalay? Para bantayan siya buong gabi, nagenjoy ka ba? Like wtf, sinabi mong isasayaw mo 'ko hindi naman pala. Yung masakit pa, siya lang talaga yung sinayaw mo.
            Marami akong naisayaw pero nung kasayaw ko si Charles, naiyak ako bigla. Kaibigan ko siya at alam mo naman siguro 'yon. Alam din niya na gusto kita dati pa though bago lang siya satin dahil kaka-transfer nya lang. Alam mo kung anong sinabi niya? "Bakit ka kasi umasa, bakit ka naniwala? Ang tanga mo rin kasi".Charles confessed on me simula palang nang maging close kami but ni-friendzoned ko siya para sa'yo kasi nga ikaw ang mahal ko. Masakit masabihan ng tanga, pero mas masakit kayong makitang magkasama. Sobrang sakit.

                                         Nagmamahal,
                                             Narhian

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now