DC3

1K 35 5
                                    

Dear Crush,

          Nakakainis! Hindi ko naman kasi talaga crush si Kid Hernandez. Oo yung Kid, yung bata. Pinagkalat pa kasi ni Jia, ang sabi ko lang naman cute siya at matalino rin. Mga chismosa talaga, walang ibang ginawa kundi magkalat ng storya kahit hindi naman totoo.
           Mas may nakakainis pa pala sa pagkakalat ni Jia ng fake news, iyon ay ang panunukso mo sakin. Tinutukso mo pa ko? E ikaw nga ang gusto ko, ikaw lang. Kung pwede ko lang sabihin sayo na ikaw dapat 'yon at hindi siya. Kaso malabo, mukhang masaya ka na at tuwang tuwa ka pa na tinutulak ako sa iba.
              Ang sakit sa puso no, sobra. Ipinagpatuloy ko na lang tuloy yung kunwaring pagkakagusto kay bata kahit hindi naman talaga. Ayoko rin namang malaman mo o ng lahat na ikaw ang gusto ko, ngayon pa't happy sila sa love team niyo. Baka magmukha pa 'kong kontrabida kahit ang totoo'y storya ko 'to,hindi niyo.
            Tama na muna ang puso ko sayo, pag-aaral na muna ang aatupagin ko.

                                  Nagmamahal,
                                    Narhian

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now