DC23

357 13 1
                                    

Dear Crush,

          Hays! Tama na kasi ang kaka-asa ko sa'yo, sobrang nasasaktan na 'ko pero pinagpapatuloy ko pa rin. Ang tanga ko talaga, hindi na 'ko nagbago, kung gaano ako katalino sya ring katangahan ko.
           Dahil malapit na ang end of school year, wala na ring masyadong ginagawa puro laro na lang kami. Nag-uusap kami no'n ni Mark, one of my bestfriends.Umamin ba namang naging crush nya ko. At ito pa, pinagdiinan ba naman niyang Crush lang niya 'ko at hindi nya ko liligawan. As if namang magpaligaw ako, hindi kami bagay pero kung bestfriends swak kami. One time naisipan naming sumali ng laro, bihira 'yon sa'kin. The game is my favorite song at syempre kung sinong matira at hindi matanggal ay siyang magbibigay ng dare o magtatanong samin. Okay na sana, kaso biglang sumulpot ka at nakisali sa laro. Sinubukan kong umalis kaso mas malaking consequence ang ipapataw nila sa'kin pagka-umalis ako.
         Ito na nga, dalawa na lang tayong naglalaban do or die na 'to. Dapat ako ang manalo, naguumpisa na kasing magtilian alam kasi nila na crush nga kita at panigurado yung dare or truth tungkol sayo. Kaso ayun, talo rin ako.
        Talo rin si Mark at ang tanong sa kanya ay kung sino ang crush niya. Expected ko namang ako ang sasabihin niya dahil kakasabi nya lang no'n sa'kin. Then no'ng sinabi niya nga bigla kang nagsalita, you told us na may iba kong mahal. Proud ka pa na ikaw ang mahal ko eh palagi mo naman akong sinasaktan. Kainis ka rin eh.
           Tapos turn ko na, tinignan mo lang ako parang tanga lang. Si Dale at Chi na lang tuloy ang nagtanong, "ano ang mga mabubuting katangian ang nagustuhan mo kay Nigel?'. Kung pwede lang sabihin na hindi naman dahil sa magaling ka sa ganto o yung mabuti mong katangian ang nagustuhan kundi kusa ko na lang na naramdaman. Minahal kita ng walang dahilan

                                        Nagmamahal,
                                           Narhian
          

Dear Crush (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat