Dear Crush,Hays! Ewan ko ba? Pasukan na pero parang hindi ako masaya. Bumungad kasi sa akin yung usap usapang pinopormahan mo si Ria. Yung maliit na cute na bata sa'tin, ano pagka-tapos ni Ether si Ria naman? Ganun. Bakit hindi ako? Bakit?
Tapos kanina sobrang lakas nang kabog ng puso ko. Si Marl kasi kinuha yung notebook ko tapos ayaw niyang ibigay, umupo pa siya sa tabi mo. Napatingin ka nga sakin habang pinipilit kong kuhanin 'yon sa kanya.
Hinahampas ko pa siya para ibigay lang yan kaso, pinigilan mo ang kamay ko gamit ang kaliwa mong kamay. Naestatwa ko ro'n tapos hinaplos mo naman ang pisngi ko gamit ang kanan mong palad. Alam mo 'yon? Ang sarap mong patayin.
Naghiyawan pa ang mga tropa mo dahil sa ginawa mo,ako naman nung makita kang ngumiti nang nakakaloko ay bumalik na 'ko sa katinuan . Hinablot ko kay Marl yung notebook ko at nasampal kita.
Sorry sa sampal ko? Masakit ba? Nadala lang siguro ako.
Hindi ko alam kung gaano na katindi ang nararamdaman ko para sa'yo pero, ang tanging alam ko lang ay ang mga pagpapakita mo na naman ng motibo na alam kong wala namang patutunguhan. Masakit pero kakayanin, hindi na 'ko dapat magpadala pa sa mga pasimple mong galawan. Matututo na 'kong magpigil.
Pero alam mo ba kung ano yung ikinagulat ko ng sobra kanina? Ay ang hindi ko inaasahang pagbadya nang mga luha sa mga mata ko the moment na hinaplos mo yung pisngi ko. Gentle and smooth naman yung pagkahaplos mo, pero yung puso ko ata nasaktan. Naisip ko tuloy, ako ba yung iniisip mo kanina habang ginagawa mo 'yon? O siya?Nagmamahal,
Narhian
![](https://img.wattpad.com/cover/145978590-288-k487529.jpg)
YOU ARE READING
Dear Crush (Completed)
ChickLitHave you written a letter for someone you admire? Told that person of your feelings non verbal cause you're afraid of the things that might happen? Join Narhian, as she writes about his crush in a diary.