DC4

787 25 10
                                    


Dear Crush,

         Ang sabi ko, past muna ako sayo at pag-aaral muna ang aatupagin ko kaso hindi ko pala kaya.
         Parati pa rin akong napapatingin sa'yo, sa inyo. Ang sweet niyo ang sarap niyong pag-untugin. Kitams natututo na 'kong maging brutal ng dahil sa pag-ibig ko sa'yo. Iba talaga ang tama ko sa'yo.
           Oo nga pala, close na kami ni Kid. He's a nice man tho. Sinasabi ko lang, baka kasi hindi mo alam dahil busy ka sa iba. He's kind, gentleman and hard working. Hindi ako magtataka kung one time ay magka- gusto ako sa kanya, still ikaw pa rin ang laman nitong puso ko kahit may ibang laman yang puso mo.
            That isn't fair actually, dapat kapag gusto ka ng isang tao gustuhin mo naman. Mahiya ka no, nagiinvest ako ng feelings sayo without any returns.Pero okay lang, as long as tanga pa 'ko sa'yo sulitin mo na kasi kapag natapos na'tong kahibangan ko sa'yo. Who you ka na?
           Who you? As in sino ka?
Nagustuhan pala kita? Nabaliw pala ko sayo? Nagpaka-tanga pala ko sayo? Minahal pala kita? Like that.
             Kaso malayo pa 'yon, mga ilang taon pa. Siguro kapag hindi na kita classmate baka mawala na 'tong feelings ko sayo.

                                           Nagmamahal,
                                                 Narhian

Dear Crush (Completed)Where stories live. Discover now