"What do you need?" tanong nito. Medyo nagulat din ang ekspresyon n'ya ng makita ako. Agad ko s'yang nilapitan.

"Jay, saan ba ang punta nyo?" tanong ko. Hinigit naman nito ang kamay ko at sumunod kami sa tatlong nauna. Alam ni Jayniah na kapatid ko sa ama si Jasmine. Nandito kami ngayon sa isang hindi pamilyar na restaurant. Maging ako ay naguguluhan pa din sa mga nangyayari. Nagpaalam 'yong dalawang babaeng kasama ni Jasmine para gumamit ng washroom. Naiwan tuloy kaming tatlo dito.

"Just go straight to the point. May kailangan pa akong puntahan." nagsusukatan ng tingin si Jayniah at ang kapatid ko. Mukhang may hindi ata magandang mangyayari.

"Hiwalayan mo si Kenrylle." nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jayniah at parang siya ay naiinis na din. Kung hindi lang siguro n'ya alam na kapatid ko ang nasa harap nya ngayon ay baka nagsabunutan na silang dalawa.

She's too short-tempered, similar to my sister.

"Can you please stop being so desperate? I'm inlove with Kenrylle okay? Please, just get out of the line." mas lalo kong nakita ang panggigigil sa mukha ng kapatid ko. Now, I get the point. Nagkita lang silang dalawa para dito? Ano bang nakita nila sa Monteverde'ng iyon at ganon na lang sila kabaliw para sa isang lalaki?

"He's just using you! So I'm giving you a warning to back off!" hinawakan ko ang braso ni Jasmine para pakalmahin. Knowing her, hindi talaga s'ya titigil hanggang sa hindi n'ya nakukuha ang gusto n'ya.

Pansin ko tuloy ang tinginan ng ibang customers sa amin. The waiter went to our direction to know what's the commotion all about. Buong akala ko ay titigil na silang dalawa sa pag aaway ng biglang tapunan ni Jayniah ng tubig ang kapatid ko. Namilog naman ang mga mata ko dahil sa nangyari.

"I'm giving you a warning too. Stay away from us," sambit nito at umalis na. Hahabulin ko sana s'ya kung hindi lang hinawakan ni Jasmine ang braso ko. Basang basa siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"That bitch, Venice! How come na naging kaibigan mo ang babaeng
'yon?" sambit nito at pagalit akong tinalikuran. Hinabol ko siya dahil para mas lalo s'yang mainis sa akin.

"I already texted kuya Bruno. Mauna ka ng umuwi. May pupuntahan lang ako."

Hindi na ako inimikan pa ng kapatid ko. When I'm already outside, kuya Bruno was there. I just decided to get inside the car and go home. Kapag mas lalo kong hinabol si Jasmine ay sigurado akong mas lalo siyang magagalit sa akin.

It was already Sunday when I received a text from Jayniah saying her apologies.

Jayniah:
I'm sorry about what I did to Jasmine. It's not really my intension. Hindi ko lang talaga kaya na hindi nya tinatantanan yung boyfriend ko. Talk to her Sarayah, please.

That was her reply. Kahit ilang beses ko pang kausapin si Jasmine ay alam kong hindi naman ito makikinig sa akin. Silang dalawa ang dapat na mag usap. Problema nila 'yon at dapat ay hindi na ako makisali. Labas na ako kung ano man ang alitan na meron sila. 

Ayoko ng mangealam dahil alam kong maiipit lang ako sa sitwasyon nilang dalawa.

Wala naman akong kinakampihan. Kung meron mang dapat sisihin sa nangyari ay walang iba kung hindi si Kenrylle. If it wasn't because of him, I don't need to think ways on how to fix Jayniah and Jasmine's relationship.

Maayos naman ang pakikisama nila dito kung hindi lang s'ya dumating.

"Laki ng eyebags mo, ah? Tsaka ang dami mong tigyawat sa mukha. Ano bang iniisip mo, teh?" kinabukasan ay kaagad akong sinalubong ni Jose.

"Wala naman," sagot ko dahil ayoko na munang mag isip pa. Pagkarating ko sa desk ko ay may isang box na naman na nakapatong.

Goodmorning milady!

I didn't bother to open that box. I was about to go to the trashcan when someone blocked my way. Nagulat ako ng makita ko si Andrew.

He's too early today! Naunahan n'ya pa akong pumasok.

"You didn't like it?" tanong n'ya. Naiinis na ibinigay ko naman sa kanya yung box na ipinatong n'ya sa desk ko.

"I told you to stop bothering me." sagot ko bago umiwas sa kanya.

I just waited for our subject at mabuti na lang maaga ring dumating ang teacher namin para sa first subject.



"Mr. Valderama?" tumayo si Jose ng tawagin s'ya nito. "Hanggang bukas na lang ang payment for our two day camp. Hindi ka ba sasama?"

"Sasama po, Miss. Bukas na bukas ay magbabayad din po ako." sagot ni Jose.

Our whole time was just used for discussing all about our two day camp. Hindi ko alam kung bakit napaaga 'yon. Usually our camp was held after midterm exams. Hindi tuloy magkamayaw ang excitement ng mga iba kong kaklase.

Honestly, hindi ko gustong sumama. If I wasn't told by our adviser to come then I will not participate. She told me that joining the camp will give me an incentive. There's also a possibility that I'll be exempted in one of the subjects this upcoming midterm exams.

"You want to pass and study in your dream university right? Dapat ngayon pa lang pag igihan mo na, Aya anak. Pansin ko na mababa kaagad ang mga nakukuha mong scores sa mga quizzes natin. You should try joining and participating in all extra curricular activities," paalala n'ya. I already told her before that I want to study in one of the most prestigious fashion university in London. Kung mahihirapan akong pataasin ang marka ko ngayon ay talagang napakaimposible n'ong mangyari.

When our next subject came, abala ako sa pagsusulat kung wala lang akong naramdamang bumato ng papel sa akin. At first, I just decided to ignore it pero nung maramdaman kong nananadya na talaga s'ya ay kaagad ko itong nilingon.

Kenrylle is looking at me at natamaan na naman ako nung nilukot n'yang papel.

I decided to open it and there's something written in the paper that made me remember what happened before.

This is the reason why I hate joining camps again. I hate remembering that scene dahil mas lalo akong naiinis. Muli akong napatingin sa sinulat n'ya.

Don't forget to bring extra clothes, Astrid.



The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon