Chapter 30- Gab and Arianne

105 3 0
                                    

Chapter 30- Gab and Arianne

3rd Person's P.O.V

Samantala naman, sa harap ng mansyon ng mga Xeriano, tumigil ang isang itim na Honda Accord at lumabas mula sa driver's seat si Gab. Pumunta siya sa gate at agad na pinagbuksan ng mga gwardiya.

"Welcome back po, Sir Gab," sabi ng isa at tinangoan siya ni Gab.

"Kumusta naman na, Kuya Echong?" Tanong niya habang nginingitian ang gwardiya. Napabuntong hininga nalang siya at napalayo ang tingin.

"Pasensiya na, Sir Gab. Eh, wala parin talagang malay si Ma'am Arianne eh. Tatlong linggo na din nung nagsimula to," sabi niya at sumimangot bigla ang binata. Di na siya sumagot sa sinabi ng gwardiya at dumiretso na sa mansyon kung saan pinagbuksan siya ng kapatid ni Arianne.

"Maaga ka ata ngayon," sabi ni Adam at napakibit-balikat ang binata bago pumasok ng mansyon.

"Bakit, Kuya? Miss na niya ba ko?" Pabirong sabi ni Gab sabay tawa na medyo napatawa din si Adam. Tinitigan nang maigi ng binata ang nakatatandang lalake at napansin ang pagod niyang itsura.

Medyo nangingitim na ang ilalim ng mata niya at di na maayos buhok niya mula sa dati niyang laging maayos na kalagayan. Napapansin din niyang hindi gaanong plantsado ang damit ni Adam na nagsasabi na talagang pagod na pagid nga siya ng ilang araw na.

"Sige, Kuya. Kakamustahin ko na ang kalagayan ni Arianne," sabi ni Gab na biglang ikinagulat ni Adam at napatingin sa binata na papataas na ng hagdan. Tinitigan ni Adam ng malungkot si Gab bago mapabuntong hininga at mas guluhin ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

"Arianne, ano bang katangahan ang ginagawa mo sa lalakeng yan?" Bulong niya sa sarili bago isara ang pintuan at bumalik sa kung ano man ang pinaggagagawa niya kanina bago dumating ang binata

---

Kumatok muna si Gab habang umaasa na may magsabi sakanyang 'come in' kahit gaano man kalamig nito, ngunit walang dumating. Nakaramdam siya noon nang napakabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib na lubos na ikinalungkot ng binata habang dahan dahan niyang iikot ang doorknob.

Habang papasok ng kwarto, nagdasal na siya na sana ngayon...ngayong araw na niya muling makikitang bumukas ang mga mata ni Arianne na hindi niya kayang iwasang titigan.

Isinarado ng binata ang pintuan at pumunta sa tabi ng kama ni Arianne habang tinititigan ang maamong mukha ng natutulog na dalaga. Itong mukhang dating laging nakangiti. Itong mukha na to na laging nagtuturo sakanya tuwing kakailanganin. Itong mukhang ito na bumighani sakanyang puso.

"Hey, Ate Arianne. Musta na?" Sabi niya sa natutulog na dalaga. Ang kulutin niyang buhok ay nakakalat sa kama at meron pang nakadikit sa mukha niya.

"Yeah, siguro nga pag gising ka ngayon, sasabihin mo, 'Ate na naman? Pag tayo lang may Ate ka tapos pag may kasamang iba, Arianne lang?' Diba?" Sabi ni Gab sabay tawa pero natigil din agad nang walang masungit na sagot ang bumalik sakanya.

"So, kanina pala, grabe na ang pagkaclose nila Carlo at Monica. Aakalain mong sila na. Sayang di mo nakita kung pano sila mataranta nang sabihin ni Wendy na isisigaw niya sa buong cafeteria na sila na gamit ang megaphone," tumawa na naman siya pero natigil na naman nang walang imik ang dalaga. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Gab at nagbuntong hininga. Umupo siya sa tabi ni Arianne at itinaboy ang mga buhok niyang nakadikit sa mukha niya at ngumiti.

"Buti pa sila Carlo at Monica, noh? Baka nga maging sila pa nga. Ako single pa rin hanggang ngayon. Haha..." bigla namang naalala ni Gab ang kwento ng ate niya nung araw na inatake si Arianne. May sinabi si Arianne sakanya tungkol sa pinupusuan ng dalaga pero walang nabanggit ang ate niya.

Kevlar Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن