Chapter 1- Kevlar Academy

951 13 2
                                    

Chapter 1- Kevlar Academy

"Oo, Mama. Andito na ko sa airport... Ok... Ok... Love you too. Bye," sabi ng isang matangkad na dalaga may mahabang buhok sa telepono bago ito ibaba. Matapaos nang ilang minuto, may tumigil na itim na sasakyan sa harapan ng kinatatayuan niya sa airport at naglakad siya papunta dun.

"Kuya?" sabi nung babae at bumukas yung pintuan ng driver's seat at lumabas ang isang matangkad na lalake at tinulungan ang dalaga sa mga bagahe niya.

"Nice. Maligayang pagbabalik, Arianne. Namiss ka ni Kuya," nakangiting sabi nung lalake habang nilalagay sa trunk ang mga bagahe.

"Namiss din kita, Kuya," nakangiting sabi ng dalaga at sinara na ng lalake ang trunk.

"Mas namiss kita, bunso," sabay tawa, "Oh siya. Pasok na at ihahatid na kita sa bahay," sabi nung lalake at napasimangot yung babae.

"Bakit, Kuya? Di ka ba muna uuwi?" malungkot na tanong niya habang pumasok na ng kotse. Napabuntong hininga ang kuya niya at sinara na ang pinto't pumasok na din sa driver's seat.

"Sorry, Arianne. Busy kasi ko sa kumpanya eh. Maiintindihan mo din ako pag ikaw na ang magpapatakbo," paliwanag nung lalake at nagdrive na paalis. Nanahimik nalang ang dalaga at tumingin sa labas ng bintana.

Samantala, may isa namang babaeng na may average height ang pumasok ng isang kotse.

"Antagal mo naman, Papa," sabi niya sabay halik sa pisngi ng ama niyang nasa driver's seat.

"May mga inasikaso pa eh. Kumusta naman ang Korea?" tanong ng tatay niya at napangiti naman ang babae

"Okay naman, Pa. Ang astig nga, nakapanood pa ko sa studio ng Pop in Seoul at nakita ang mga idol ko!" excited na tugon ng babae. Ngumiti naman ang ama niya.

"I'm glad you're back, Wendy," sabi ng papa niya at ngumiti ang mag-ama sa isa't isa.

Di kalayuan, sa loob ng isang pulang kotse ay may kambal na nakasakay. Nagmamaneho ang lalake sa kambal habang yung isa naman ay nasa likod at nakaheadphones lang.

"Justine, you'll break your eardrums," tugon nung lalake at napatingin sakanya ang kapatid niya.

"Di naman. Wala naman akong pinapatugtog. Paetoks lang," sabay tawa nung babae na tinaasan diya ng kilay ng kanyang kakambal.

"Be thankful you're at the back 'cause if you're beside me, I'll smack you in the head," babala niya pero nilabasan lang siya ng dila ng kapatid niya.

"Yeah right. Like masasaktan mo ang napakaprecious mong kambal," sabi ng babae at tumawa ang lalake.

"Yeah, kaya ko yun, Justine."

Samantala--

"The heck, man!! Mag-iisang oras na ko dito sa kahihintay, Ate!" pasigaw na reklamo ng isang matangkad na binata sa kanyang Ate na nasa harap ng isang kotse.

"Ano ba, Gab?! Alam mo naman ata na grabe trapik sa EDSA! Kaya huwag kang magreklamo diyan at pumasok na sa kotse! Baka dumugin ka pa ng mga fans mo dito," sabi ng Ate niya na kinurot pa siya sa braso at pumasok.

"Aray, Ate! At least gwapo ko!" sigaw nung lalake at pumasok nalang din ng kotse kasama ang ate niya.

"Sus, mana mana lang yan!" sabi ng ate niya at nanlaki ang mata ng binata na parang di naniniwala.

"Ay oo nga pala! Ampon ka lang!" nakangising sambit ng binata at hinampas siya ng ate niya.

"Che! Ewan ko sayo!"

Pagkaalis nila dumating naman ang isang puting ford everest at pumasok ang isang binata sa loob habang nakasuot ng headphones at walang tigil sa pagpindot sa kanyang IPhone.

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now