Chapter 9- The Bullet

147 4 0
                                    

Chapter 9- The Bullet

MJ's P.O.V

Nasa tapat na kami mismo ng bahay at iniinspect namin ang paligid. Nakalock yung pinto, mga bintana at kahit yung basement passage.

Napapansin kong malapit lang si Gab kay Arianne at si Carlo, parang buntot ng aso kung makasunod sakin.

Sumama nalang ako kay Wendy at pinag-aralan ko ang bahay, memorizing every detail. Malaki laki rin ang bahay pero mukhang masyadong malaki naman ata yung bakod para sa bahay. Di naman to ganun kalaki eh.

Tumingin ako kay Wendy at mukha siyang paranoid nang onte.

Habang tinitignan namin ni Wendy ang bintana ng second floor mula sa labas, she suddenly flinched and her eyes widened like she'd seen something. Something out of this world.

"Guys!" tawag ni Wendy at napalingon sila sakanya,  "May nakita kong shadow doon sa bintanang yun!"

Tinuro niya yung pangatlong bintana sa second floor kaya napatingin kami doon.

"Carlo, asan yung heat sensor?" tanong ni Arianne. Yes, may heat sensor na dala si Carlo. Pinadala kasi ni Arianne at ayun nga. Inabot ni Carlo yung sensor kay Arianne.

Inon niya ang Heat sensor at may mga lumalabas na result dun sa maliit na monitor. Nirerecord niya yung results para mapag-aralan namin anytime.

May naramdaman akong kakaiba mula sa likod kaya napatingin ako dun at itinutok ang baril ko.

"Anong problema, Monic?" tanong ni Wendy at binaba ang baril.

"Parang...wala. Wag mo nang intindihin," sabi ko at huminga nang malalim para kumalma. Baka kasi umatake na naman kasi and Swings ko.

Nung natapos na si Arianne, binalik na niya yung sensor kay Carlo at inayos yung scarf. Eeii! Kilig si Me! EreMika feels.

"Umalis na tayo dito. Lagpas na tayo ng alas-dyis," sabi ni Arianne at umalis na kami ng lote ni Winston K.

Pagkababa na pagkababa ko, andun na naman yung weird na feeling. Tinanggal na nila Gab at Carlo yung lubid at kahit anong evidences na pumunta kami dito.

Matapos nun, pumunta na kami sa van with Arianne on the lead, pero napatigil ako nung may naramdaman akong dumaan sa tabi ko. Biglang natumba si Arianne. Buti nalang nasalo siya ni Gab.

"Ayos ka lang, Arianne?" tanong niya at napahawak sa likod ni Arianne. Nanlaki ang mga mata niya at naka-amoy ako ng metallic scent ng dugo. May tumutulo sa leeg ko pero onte lang, pero malala yung kay Arianne...

"ARIANNE! MAY TAMA KA!" napasigaw si Wendy at binuksan ko yung pinto ng van.

"Bilis! Ipasok niyo na siya at baka may iba pang matamaan!" utos ko at agad namang pinasok ni Gab si Arianne. Dun sila sa likod kasama si Wendy at pumunta ko sa harap.

Si Carlo na ang nagdrive at agad agad kaming umalis.

"Malapit lang ang ospital namin dito! Carlo, you know the way. Drive us there!" sabi ni Gab at tumango si Carlo.

"Arianne, magiging okey ka lang," paulit ulit na sabi ni Wendy at unti unti ko nang nararamdaman yung hapdi ng sugat ko.

Kinuha ko yung backpack ko, revealing different guns inside. May medical kit din naman. Kinuha ko yun at inabot kay Wendy.

She performed first aid at may tinawagan si Gab.

"Hello. This is Gabriel Zapeda. Me and my friends will go there and make sure to get Dr. Sarmiento for us. As quick as possible!" demand ni Gab at binaba na ang tawag.

Nakatingin lang ako sa harap at after 5 minutes, nakarating kami sa isang ospital.

Pagbaba namin, may doktor na babae ang nakaabang sa may entrance at agad namang inilagay sa stretcher si Arianne.

"Nabaril po siya, Dr. Sarmiento. Kayo na po bahala!" sabi ni Gab na alalang alala at may sinabi pa yung doktor bago ko makakita ng puros itim.

---

Nakaramdan ako ng sakit sa may may batok at unting unting binukas ang mga mata ko.

Pagkabukas ko ng mga mata ko, nakakita ko ng tatlong tao. Dalawang lalake at isang babae.

Sila Carlo, Wendy at yung magaling kong kapatid na si Tristan.

"Gising na si Monic!" tinignan ko nang masama si Carlo at umupo sa kinahihigaan ko.

"Hindi. Panaginip lang to. Tulog  ka lang," sabi ko, sarcastically at sumakit ulit ulo ko, "Ano bang nangyari? At bakit andito si Jin?"

Jin ang tawag ko sa kapatid ko pag may kasama kaming iba pero pag kami lang, Tristan. Pag may kasama kami, Monica ang tawag niya sakin at Justine naman pag wala. We have reasons.

"You passed out. The doctor said it was because of the gunpowder that got into you wound when it hit you," nasabi ko bang Englishero kapatid ko? Hindi. Okey, well. Yep! Englishero siya at bihira lang magtagalog.

Ngunit nakaiintindi naman siya ng ating minamahal na wikang Filipino sapagka't siya'y isang Pilipino.

"Huh, pwede ba yun? Akala ko gusto lang matulog ng katawan ko," biro ko at napahawak sa natamaan, or more likely, dinaplisan ng bala. Posible na bang malagyan to ng pulbora?

"Wait! Si Arianne?" tanong ko at napatingin sila sa kabilang kama at nakita naming nakahiga doon si Arianne at nakatulog si Gab sa tabi ng kama habang nakaupo sa isang upuan.

"She's fine. The doctor took out the bullet and thankfully, it didn't damaged any of her organs. Gab seem to be worried the most," sabi ni Tristan at napatayo mula sa kinauupuan niya. Nakauniform parin siya.

"Ba't ka nakauniform?" tanong ko at napatingin siya sa suot niya.

"Papa called me in right after school and when I heard about what happened, I rushed in so I didn't have time to change," sabi niya at kinuha yung blazer niya na nakalagay sa upuan.

"Can I talk to you for a minute?" ayan tuloy. Sa kaka-English niya, pati ako, nahahawa, "In private."

"Wait lang, Monic! Di ka pa--"

"Kaya ko to. Maliit man ako, di ako mapipigilan ng maliit na bala lang," sabi ko kay Wendy at tamayo. Lumabas na ko habang sumunod si Tristan. Nung nasisigurado na namin na di na kami naririnig, tinanggal ko yung tali ko at inayos ang buhok tsaka tumingin sa kakambal ko.

"Tristan, may kakaiba talaga sa lahat nang to. Kailangan to malaman nila Papa," sabi ko at napabuntong hininga lang siya.

"There's always been something weird in this mission, but I assure you that I will help with all I can, Mio," sabi niya at umalis na.

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now