Chapter 2- Meeting

367 8 2
                                    

Chapter 2- Meeting

Carlo's P.O.V

Nandito ko ngayon sa kwarto at nagbabasa ng isa na naman ng libro. Kahapon ko pa to nabili pero ngayon ko lang binabasa. At kung kailan naman ako nagbabasa, kailan sila mangbubulabog.

"John, dali! Bihis ka na! May pupuntahan tayo," sabi ni mama pero di ko siya pinansin. Snob na kung snob. May binabsa ko eh, "John, anong sabi ko?"

"John, dali. Bihis ka na. May pupuntahan tayo," ulit ko. Haha. Magalit na kung magalit si mama. Di niya ko mapapatayo sa kinahihigaan ko.

"Oh? Bat di ka pa nagbibihis??" tanong niya at tinignan ko siya tas tinaasan ng kilay.

"Magbihis?? With you in my room?" tanong ko. Oh? Pano ko makakapagbihis kung andyan si Mama? Ayoko nga. Ngumiti naman si mama at naglakad papunta sakin tas kinurot kurot ang pisngi ko.

"Nahihiya pa yung bunso ko eh~" aish! Kung panglalmbing tawag dito, wag na. Tinanggal ko yung kamay niya at nagpatuloy sa pagbabasa. "John naman eh. Sige. Bababa na ko para makapag-ayos ka na."

"San ba kasi tayo pupunta? Kussu!" nakita naman kasing nagbabasa ako dito tapos bigla akong aayain ni mamang maglakwatsa? Kabwisit.

"Pupunta tayo dun  sa Xeriano Corp. kaya dali na!" pagkasabi ni mama ng Xeriano Corp., nanlaki ang mga mata ko at dali dali siyang tinulak palabas ng kwarto nang nakangiti. Bipolar na kung bipolar, basta dadali dalian ko na.

Basta Xeriano Corp. pupunta, game ako. Andun sila eh. Pati din ang mga cool tech nila. Kinuha ko yung tuwalya't naligo. Matapos maligo agad akong nagbihis. Black jeans, white shirt and a black hooded jacket tas black and white adidas shoes.

Inayos ko din yung buhok ko at nagpabago ng Blackwater perfume tas kinuha ang walet, iPhone at headphones ko. Pagkatapos ng lahat nang yun, lumabas na ko ng kwarto ko at naglakad pababa ng staircase namin. Nakita ko si mama na andun sa may sala at kausap si ate. Naglakad ako papunta sakanila habang nilalagay ang headphones ko sa leeg ko.

"Ah talaga? Delekado pala dun. Tawagan mo na si Sedrik at sabihan mong bumalik na," sabi ni mama at napatingin ako kay ate. Mukhang seryoso tong usapan nila ha.

"Bakit? Ano bang nangyari, Ate?" tanong ko at napatingin sakin si Ate at inakbayan ako.

"Ay wow! Pogi ng bunso namin ah. May pinopormahan na?" nanlaki naman ang mga mata ko at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.

"H-Hindi ah! Pero seryoso. Bakit mo pinapabalik dito sila Kuya Sedrik? Sight-seeing daw sila sa Mayon ha?" tanong ko. Sila Kuya kasi, nasa Albay ngayon at ang alam ko, gumagala-gala daw sila ngayon sa may Mayon.

"Yung Mayon kasi nag-aalburuto daw kaya pinapauwi nalang ni mama si Sedrik," sagot ni Ate. Nag-aalburuto? Napatingin naman ako kay mama na ang seryoso ng tingin.

"Sige, dun na kami, nak. Ikaw na bahala dito ha?" sabi ni mama at tumango si ate. Lumabas na kami ni mama at nakita kong naghihintay na sa labas yung kotse na sasakyan namin.

Pumasok na kami dun at umalis na. May kinakalaman kaya yung pag-aalburo ng Mayon sa 5 Knights?

"Aray!" iyak ko sabay hawak sa left upper arm ko. Bigla kasing humapdi at ma-hapdi talaga. Napatingin lang si mama at walang sinabi. Di man lang tinanong kung anong problema. Wow. Best snob mom awardee na si mama. Nice mo po, ma!

Nawala din naman yung pagsting pero binabagabag parin ako nito.

Bumaba na kami ni mama sa harap ng Xeriano Corp. building at napatingala ako. Wow. Grabe ang pinagbago nito in 6 years ha.

Pumasok na kami at pumunta na sa 5th floor. Pagbaba namin ng 5th floor, ang una ko agad na napansin ang kakaibang itsura ng floor na to. Kung ikumpara mo to dun sa ibang floors mukhang normal lang pero walang ibang taong naglalakad lakad o kaya nakatambay.

Tig-pito ang pintuan sa magkabilang gilid at pansin ko ding iisang koridor lang to. Sa dulo naman ay may isang malaking pair ng wooden door na may sign ng eight spiked Solomon's ring.

"John, dun ka nalang maghintay. Sige na," sabi ni mama sabay turo dun sa isang pinto sa right side. Pumasok na si mama dun sa pintong may nakalagay na 5 Knights Elders. Pfft. Elders.

Pumasok nalang ako dun sa sinabi ni mama na pinto at pagpasok ko nakita ko sila.

"Woah! Carlo! May pinopormahan?" Wala ha.

"Ano ba, Gab? Wala! Ikaw ata diyan," sabi ko kay Gab at umupo sa tabi niya.

"Ay! Late na naman si Carlo?" tanong ni Monica habang naglalaro ng darts.

"Lagi naman diba? Walang pinagbago," sabi ni Wendy habang kaharap ang laptop niya ata.

"Meron kaya," sabi ni Arianne na nakatingin din si laptop niya.

"Talaga? Ano?" excited kong tanong. Yes! May kumampi din sakin!

"Pumayat siya nang konte," ay letse! Okay na sana kaso konte lang. Tumawa naman yung magkaibigang kalog.

"Haha! Tama ka diyan, Ariasome! Apir!" sabi ni Monica, pero imbis na ma-apir si Arianne, malapit na niya matarget si Arianne ng darts.

"Hahaha! Bilis ng karma no?!" sabay tawa ko.

"Ano?! Si Karma?! Asan? Asan?!" excited na tanong ni Monica.

Yes. Kilala ko silang apat. Childhood friends ko sila pero nagkahiwahiwalay kami for the past 6 years. Pero expected ko na din na sa Kevlar kami ulit magkikita-kita.

"Ehem, by the way. Nakaramdam na ba kayo ng Stings?" natahimik kaming lahat at napatingin kay Arianne na seryoso ang mukha.

Tinanggal ko yung jacket ko at tinaas ang sleeve ng damit ko. Tinanggal ni Gab yung shirt niya. Si Monica naman may tinangal sa kamay niya ng kakulay ng balat pero mukhang plastik. Si Wendy naman ay tinaas ang buhok. At sa iba't ibang parte ng katawan na yun, may iisang sign lang ang nakalagay. Ang Solomon's ring na tulad sa pintuan kanina.

Ako left upper arm. Kay Gab sa likod ng shoulder. Si Monica sa kamay and Wendy's at the nap

"Yes," sabay sabay naming sabi. Ang Sting ay ang sensation na nararamdaman ng 5 Knights kapag may nakita, naramdaman o naranasan na kakaiba. At yun yung naramdaman ko kanina sa kotse.

"That only means one thing," sabi ni Arianne. Tinaas niya yung right sleeve niya and we saw the same mark at her upper arm.

"The signs been taken..." sabi ni Wendy.

"By us. We took the signs from our parents so we are the new 5 Knights," Arianne declared. In only one question, we turned serious and quiet. Because in that one question, our future's been revealed.

-----

urgh! Lame lame! Si Monic kasi!

Mj: Ala! Hunyemas ka! Bakit ako?!

Kasi ikaw ang main author!

Mj: eh pano ba naman di kayo tumutulong! Tanong ako nang tanong kung, ano na?! Ano na?! Wala naman kayong sagot! Oh?! Ga-graduate natayo kaya konte nalang ang oras nating magkakasama!

Bleeh! Anyway, Hopia layk it! Putong malagkit! Wendy out!

Mj: RSE out!

« EDITED»

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now