Chapter 6- A Day in Kevlar

182 4 0
                                    

Chapter 6- A Day in Kevlar

Arianne's P.O.V

Hinatid ako ni Kuya sa Academy bago pumunta sa kumpanya. 3 weeks na rin kami dito sa makababalaghan na Academy na to at isang beses palang namin to pinasok at inimbistigahan mismo ang loob dahil sa pinag-aaralan ko pa yung mga nakolekta naming data.

Naglalakad ako papuntang room nang may biglang sumigaw ng pangalan ko.

"Ariannecchi!" Well, not actually pangalan pero iisang tao lang naman ang tumatawag sakin nun. Si Monica, kaya umiwas na ko bago pa ko sunggaban niya mula sa likod.

Eh ayun nga, yung nasa harap ko ang nayakap ni Monica at yung taong yun ay si Carlo. Andiyan pala siya. Di ko napansin.

"Carlo! Ang huggable mo pa rin! May taba ka pa pala!" sabi ni Monica sabay bitaw kay Carlo at pinindot tiyan niya. Napahawak nama siya dun at simaan ang titig kay Monica.

"Good morning ha. Ingay mo," sabi ni Carlo, "At wala kong taba no. Abs to."

"Abs with a 'T' in front?" biro ko at tumawa kami ni Monica. Ganito kasi yan. Mataba si Carlo nung bata pa kami at nakakagulat na pumayat na siya. Pero kahit hanggang ngayon, ang lakas parin ng trip namin sakanya.

"Guys!" bigla namang bumulaga samin si Wendy at napasigaw si Monica kasi tinusok siya niya sa tagiliran gamit daliri niya.

Walang masyadong nagbago sa dalawang to. Makukulit parin as ever. Akalain mo yan. 6 years walang connection pero makipagkulitan sa isa't isa parang araw-araw nagkikita.

"Saya ha. Anong pinag-uusapan niyo?" as if on cue na tanong ni Gab. Sa kanya din. Walang masyadong nagbago. Pa-cool parin attitude niya at sikat parin sa mga babae. Tch, feeling ko nga marami na tong naging GF eh.

Yeah, chic magnet ang lalakeng to. Lalo na't naging model pa siya sa California. Sa ugali...happy-go-lucky parin siya at makulit din.

"Yung tabs ni Carlo," sabi ko sabay tawa at napagtripan na naman si Carlo.

"Ala, bullying kayo. Sumbong ko kayo," sabi ni Carlo pero naglakad na kami sabay sabay papuntang 11-Zues.

Nagbiruan lang kami papuntang room at pagdating namin dun, umupo kami sa mga designated seats namin hanggang sa dumating ang teacher.

Nung lunch, sabay sabay kaming kumain sa Cafeteria just like the old times.

"Guys, matanong ko nga kayo," sabi ni Wendy at lumunok bago nagsalita ulit, "Anong ginawa ninyo sa mga bansang pinuntahan niyo? Ako, nag-aral ako ng fencing at iba pang arts of fighting using blades. I just feel like it."

"Astig ha. Ako? Umm, tinuruan ako nung ninong ko sa Japan gumamit ng iba't ibang klase ng baril at Martial Arts. Black belt na nga ko eh," sabi ni Monica at isinubo yung strawberry cake niya. Siya itsura niya, di halatang nagmamartial arts siya.

Sa liit niyang yan, pag marunong siyang magmartial arts at gumamit ng baril, ayaw mo siyang maka-away.

"Nag-aral ako ng kendo sa Hokkaido at kung pano gumamit ng katana. Inayos ko din body shape ko, as you can see," nakangiting sabi ni Carlo at natawa nalang kami. Basta napag-uusapan body shape niya, natatawa nalang kami.

"Besides of modeling, nag taekwondo din ako nang onte at paminsan minsan nagpapractice gumamit ng baril. Pinasok pa ko ni Mama sa mga lessons eh," sabi ni Gab with pride.

"Ikaw, Arianne?" tanong niya at napatingin sila sakin.

"Nag-aral ako manghack at nagbasa ng mga texts about Sherlock Holmes. Tapos nag-aral din ako ng advance Mathematics at Science. Nag-aral din ako about Forensic Science and other stuff," sabi ko at napanganga si Gab.

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now