Chapter 12- Bonding and Feelings

142 3 8
                                    

Chapter 12- Bonding and feelings

Gab's P.O.V

Nasa bahay ako ngayon. Sabado naman at walang sabi sila na may gagawin ngayong investigation kaya enjoy lang ako ngayon. Enjoy while it last.

Nagbabasa ko nung bagong chapters ng Shingeki no Kyojin at nang nasa magandang part na, may kumtok sa pinto ko.

"Uy, Gab. Sabi ni Mommy, bumili ka daw ng napkin," sabi ni Ate kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hala! Ba't ako?! Kay Manang ka nalang magpabili!" pasigaw kong sabi.

"Duh. Day off ni Manang ngayon!"

"Bakit ikaw? Di ka pwede?" tanong ko at natahimik si Ate.

"Eh ako yung meron. Alangang lumabas ako nang may tagos!" tumawa nalang ako at inimagine na pinagtitinginan si Ate ng mga tao. Haha!

"Good luck nalang!"

"Mommy!!"

"Ay! Oo na oo na! Bibili na ko!" sabi ko at lumabas ng kwarto. Agad kong kumuha ng pera sa cabinet sa may sala at nagmotor papunta sa pinakamalapit na shop. Ang when I say, pinakamalapit, mga isang kilometro ang layo.

Ipinark ko na yung motor ko sa gilid at pumasok ng 7-eleven. Eto ang pinakamalapit.

Pagkapasok ko, nagulat nalang ako nang makita ko si Arianne sa loob.

"Hoy! Andyan ka pala, Ate Arianne!" nakangiti kong sabi tapos tinaasan pa niya ko ng kilay. Ala! Ano na naman?!

"Kailan mo ako sinimulang na tawaging Ate ulit?" tanong niya at tumawa nalang ako.

"Bakit? Bawal? Nakakamiss din eh. Haha," sabi ko pero inirapan lang niya ko. Jeez, taray naman. Pasalamat siya, dahil sakin, libre na siya dun sa ospital namin. Well, di naman sa di nila kayang bayaran yung mga bayarin dun.

"Ba't ka nga pala andito?" tanong niya at bigla kong naalala yung pinagagawa ni Ate sakin.

"Ah...eh...bibili ako ng na...na...nutella! Oo tama! Bibili ko ng nutella kaya dun na ko! Bye!" palusot ko at naglakad ng mabilis papunta dun sa may mga pads. Woo! Buti pala malapit lang yun sa may mga nutella.

Bibili na din ako ng nutella. Teehee. Papapakin ko lang to.

Kumukuha na ko ng pads nang may nagsalita sa likod ko at muntikan nang tumalon ang skeleton ko palabas ng katawan ko dahil sa gulat.

"Di mo ko sinabihan na may bagong brand na pala ng pads. Nutella ha?" napalingon ako at nakita si Arianne. Napatawa ko sa nerbyos at unting unting naglakad papunta sa may nutella.

"Ah...eh, haha! Ano bang pinagsasabi mo, Ate Arianne? Tinitngnan ko lang yung mga pads. Bibili talaga ko ng nutella," palusot ko na naman. Naku, kung di lang matalino tong babaeng to, kanina pa sana ko nakaalis. Eh kaso, Valedictorian to eh.

"Hay naku, Gab," sabi niya at kumuha ng isang supot ng Charmee ba yun? Basta yun. Napkin, I mean.

"Oh eto. Yan ang ginagamit ni Ate mo. Tama din naman ang choice ni Ate. Di sya nakakairitate," okay, parang ang awkward na tuloy. Nilelecturan ba niya ko?

"huh? A-An-"

"Hep! Tama na palusot. Halata namang napagutusan ka na ng Ate mo eh," sabi niya at naglakad papuntang counter, "And as to show my gratitude for saving my life, ako na din magbabayad nito para di ka na mapahiya."

"Talaga?! Ay thank you!"

"Ok lang"sabi nya sakin at binayaran na nya yung napkin. Yes! At least hindi ako masyadomg napahiya grabe lang siguro ang kahihiyan ko kung ako nagbayad nun!

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now