Chapter 8- Mansion

165 4 0
                                    

Chapter 8- Mansion

Carlo's P.O.V

Sabado na at papunta na kami ng Cavite with Gab on the wheels. Turn kaya niya ngayon magdrive. Papunta na kami sa mansion ni Mr. Sleeping Beauty--este Mr. W.K. 9:28 p.m na din kaya puyat kami tonight for sure.

"Guys, seryosong pupunta tayo doon sa creepy na mansion ni Mr. K? Baka bumalik yung smoke at pati tayo mawala," sabi ko with concern. Syempre, baka kami ang pinaka unang nawalang 5 Knights nang walang ginagawang progress.

"Wehe! Takot ka lang kasi!" panunudyo ni Wendy sakin at tumawa si Monica. Wow, parang kanina lang, tahimik siya ah.

"At least gwapo," sabi ko sabay papogi sign. Umubo ubo naman si Arianne na nakaupo sa harap, katabi ni Gab.

"Libreng mangarap. Mahal magparetoke," sabi ni four-eyes at sinamaan ko at tiningin sakanya. Oh why are you so cruel to me, Universe?

"Hindi pa ba sapat na pumayat na si Carlo?" bigla kong ngumiti nang sabihin yun ni Gab. Yehes! May karamay na ko! "At kailangan ipamukha niyo pa ang totoo?"

Napasimangot ako at tumawa silang apat. Pambihira! Paasa ka, Gab!

"Oo na! Panget na ko! Pero ako ba ang pandak? Ako ba ang tuog? Ako ba ang denial? Ako ba ang single dahil walang bumabagay sa tangkad? Ha?" sambit ko at natigil sila. Nasa akin ang huling halakhak!

Pandak = Monica
Tuog = Gab
Denial = Wendy
Single = Arianne

Ako nalang sana ang masaya nang biglang may sinabi si Wendy.

"Weh? May GabArianne naman!" mas natawa ko at tumawa yung dalawang babae habang natahimik sila Arianne at Gab. At least, I'm not the only one na napagtitripan.

"Ikaw, Carlo. Namumuro ka na," sabi ni Gab at napangisi si Arianne.

"Ano naman?? May Monica and Carlo naman," now it's our time to be quiet.

"Huwat, Arianne?!"

"Okay, guys. Andito na tayo," sabi ni Gab at inihinto ang van. Napatingin kami sa bintana at nakakita ng napakataas na bakod. As in. Pwede mo nang ikumpara sa isang titan sa SnK.

"Shocks, ang weird," sabi ni Wendy at lumabas na kami ng pick-up  at tumingala ulit kami sa bakod at nagtaasan ang mga balahibo ko.

"Ang creepy," sabi ko at tumango si Monica, agreeing with me. Napalingon si Arianne sa gate na sinubukang buksan ni Gab, but it won't budge. Nakalock I think.

"What now? Lock yung gate," sabi niya at nagkatinginan kami ni Monica. We grinned at each other and nodded. Alam ko ang iniisip nito. Taong pusa to eh.

"Pano kung mang-akyat bakod tayo?" sabi naming dalawa at napatingin silang tatlo samin like we lose our freaking mind. Pero napatango naman yung tatlong babae.

"Huh?! Sigurado kayo? Ang taas nito. Mga 10 feet ata ang taas nito ha," sabi ni Gab at napatingin si Wendy sa likod. Napatingin din si Arianne at ngumiti.

"May grappling hook at lubid ka naman, Gab ha. Bakit di natin gamitin?" tanong ni Arianne. Mukhang hesitant pa rin si Gab pero napabuntong hininga nalang siya.

"Sige na nga. May lubid naman ako doon sa likod para madali lang ang pagbaba natin," sabi ni Gab as Monica and I fist bumped.

"Sige. Gab and Carlo, ihulog niyo yung lubid sa kabila gabit ang pick-up. Carlo mauna ka, sumunod ka Wendy then Monica and Gab. Panghuli na ko. Go," utos ni Arianne at kinuha ko na yung lubid at inihanda namin ni Gab ang mga gear niya.

"Bilisan na natin. Sayang ang oras," sabi ko as we get into work.

Grabe, ang dilim na pala. Napatingin ako sa relo ko at 9:40 na. Gabing gabi na. May curfew na pati sa parte ng Cavite na to.

Habang ginagawa namin ni Gab ang trabaho namin, napansin kong napapatingin siya kay Arianne. Kausap niya sila Monica at Wendy about something. Sa ekspresiyon niya, mukha siyang nag-aalala.

Kaya bilang ka-bro niya, napatanong na rin ako.

"Uy, pre. Okay ka lang? Para kang matataeng ewan," tanong ko at napailing siya. Knew it. Bakas sa mata niya ang pag aalala. Ewan ko kung tungkol sa gagawin namin or tungkol sa ibang bagay.

"Not exactly. Ewan ko kasi. Feeling ko may mangyayaring masama," sabi niya at napatingin ulit kay Arianne. Siguro siya ang inaalala ni Gab.

Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang duty namin. Sana maging successful tong gabing to.

"Guys, okay na," sabi ko at napalingon yung girls samin. Excited na tumakbo si Monica papunta samin pero agad siyang pinigilan ni Wendy.

"Oi, Carlo muna. Excited naman eh. May lakad? May lakad?"

"Meron. Lalakad ako papasok," Wendy just rolled her eyes at napabuntong hininga si Arianne. Makulit ba naman kasi tong dalawa.

"Sige, Carlo. Taas na," tumango ako at pumunta na sa kabilang parte ng bakod. Pagbaba ko, sumunod na si Wendy then Monica at sumunod si Gab.

Pagkababa ni Gab, agad na tumingala siya at hinintay si Arianne. Pagkababa naman ni Arianne, muntikan na siyang ma-out of balance. Buti mabilis ang reflexes ni Gab at inalalayan agad si Arianne. Aww...

"Okay ka lang ba? Mukha kang namumutla, Arianne," nag-aalalang tanong ni Wendy. Oo nga. Ngayon ko nga lang din napansin na ang putla ni Arianne.

"Di. Okay lang ako. Masakit lang ulo ko dahil sa kulang ng tulog kagabi," sabi niya at tumango nalang si Wendy. Ito ba ang bagay na pinangkakabahan ni Gab?

Gamit ang mga flashlight na dala namin, agad naman na kami pumunta sa Bahay. Shet. Kinakabahan na ko.

Ang creepy talaga ng ala-white house na then na bahay na to. Tsaka ang lamig pa as in. Buti pala napagkasunduan namin ni Gab na magsuot ng jacket or else di kami makakakilos nang maayos dahil sa lamig.

Pwede na ditong magsnow!

Napansin kong tingin parin nang tingin si Gab kay Arianne kaya napatingin na din ako. Nakasweater lang siya ng itim. Medyo manipis pa pati. Nilalamig na din siya.

Tinanggal ni Gab yung scarf na suot niya at iniabot kay Arianne.

"Oh, gamitim mo. Para di ka lamigin," sabi ni Gab at napatingin sa Arianne sakanya. Kinuha na yung scarf.

"Thanks. Medyo okay na pakiramdam ko," mukhang napansin to ni Monica at napangiti ng malawak.

"OMG...EreMika? shocks!" kapag kinaibigan mo ang adik sa anime, ganito ang lagi mong maririnig. Take references.

"Sigurado kong di nilalamig to si Monica kasi nakajacket na eh," sabi ni Wendy at napatingin sakin. Oh? Ano na naman?

"Of course. Girls Scout ata ako," sabi ni Monica.

"Boy Scout ako," sabi ko naman at inignor niya lang ako. ouch. Bakit di ka crush ng crush mo? Ay wala kayong nabasa ha! Erase erase!

Magsasalita pa sana si Wendy nang biglang may tumunog na stick. Yung naputol.

Napatalon pabalik si Monica dahil may mukhang palaka sa harap niya. Takot eh. At hulaan niyo kung sinong nakasalo.

"Eh. May palaka, Carlo. May palaka," nanginginig na sabi niya habang nagtatago sa likod ko.

Tinapat ni Wendy ang flashlight niya sa may tinatapakan ni Monica kanina at nakitang bato na triangle.

Kumalma nang onte si Monica at may kumalabog sa loob ng bahay.

Biglang nagshift ang mood ni Monica at inilabas ang dala niyang baril.

"Be ready," sabi ni Arianne at nilabas namin ang mga dala naming baril at mas lumapit sa bahay.

---

« EDITED »

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now