Chapter 7- Accident or Murder or...

193 4 0
                                    

Chapter 7- Accident or Murder or...

Wendy's P.O.V

Tumayo si Arianne habang nakatingin kay Ma'am Marpuri habang napatingin ulit ako sa bangkay at balik kay Arianne.

"What do you mean?" tanong ni Sir Andalis at napatingin si Arianne sa relo niya as if, computing time.

"Nagiging malapot na ang dugo niya putlang putla na siya. Sa temperature din ng cr, I estimate that she died around 9-10:00," sabi niya sabay ayos ng salamin niya. Oh yeah, nag-aral pala siya ng forensic science.

"And who are you to know that?" mataray na tanong ni Ma'am Marpuri. Pumasok din kaming apat sa loob ng cr para suportahan si Arianne. Ang taray naman kasi nitong teacher na to, ewan mo ba kung may mens o naiinis dahil menopause na.

"I am Arianne Xeriano. A mystery enthusiast and a detective," sabi ni Arianne, surprising them. Mukhang di sila masyadong naniniwala dahil sa edad niya at dahil din sa seryosong mukha ni Arianne.

"Arianne, umalis na tayo. Baka mapahiya ka dito," sabi ni Gab kay Arianne habang sinusubukan siyang hilahin palabas pero nagpumiglas si Arianne at nakawala.

"Ayoko. May nangyaring hindi normal dito at di ko yun palalampasin," sabi niya at lumabas ng cr papuntang room. Aalis din naman pala. Anong drama yun?

"Umalis naman nga talaga," sabi ni Carlo sabay buntong hininga. Nauna na si Gab papuntang room at sumunod na kami. Natuto na kami na pag nagkaganun si Arianne, wala nang makakapigil sakanya. Pabebe girls lang ang peg.

Pagdating sa room, nakita namin si Arianne na nakatingin sa cellphone niya.

"Uy, ano na naman ba ang pinagsasabi mo dun?" tanong ni Gab at napatingin samin--more like kay Gab--si Arianne with that intense, serious, tiger-like glare.

"Sa akin muna yun. Pero mamayang gabi, babalik tayo dito," buti't walang tao dito sa room kundi magtataka na sila kung ano ang gagawin namin dito.

Bago pa kami makapagsalita ulit, tumunog na ang bell at nagsibalikan na mga kaklase namin.

Umupo narin kami sa kanya kanyang upuan namin. Ano bang iniisip ni Arianne kanina?

---

Pinasok ulit namin ang Kevlar gamit ang dati naming technique at imbis na pumuntang library o faculty office, bumalik kami sa cr kung saan nangyari ang aksidente kanina.

May dala kaming mga flashlight para makakita sa dilim at napatingin tingin sa paligid si Monica habang nakahawak sa ilong niya.

"Sa tingin ko may pumatay sa babaeng yun kanina," sabi ni Arianne habang tinitignan yung sahig na may onteng dugo pa. Matagal tagal pa bago may gumanit nito.

"Bakit naman?" tanong ni Carlo at tinatakpan parin ni Monica ang ilong niya.

"Yaks. Amoy na amoy pa ang dugo," nandidiring sabi ni Monic at tumingin sa sahig, "Nabagok ang ulo niya kaya dumugo and died of concussion and blood loss. Yun ang sabi nung mga teachers kanina."

"Di. May pumatay sakanya. May nakita ba kayo kanina para dumulas siya?" nagkatinginan kami at tumingin ulit sakanya then umiling. Wala, actually. Eei! Parang nakabasa na ko ng ganito ha. Namatay sa CR.

"Carlo, nakuha mo yung files na pinapakuha ko?" tanong ni Arianne at kinuha ni Carlo yung laptop niya sa backpack.

"Di ko alam kung ano ang kinalaman nito sa kaso ni Winston K., Arianne. Ano bang gustong sabihin?" tanong ni Carlo habang nakatingin ako sa monitor ng laptop niya.

"Arianne, magKISS ka na nga," napatingin kami lahat kay Monica at tinaasan siya ng kilay.

"Kiss?" tanong ni Gab.

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now