Chapter 26- Tristan and Wendell

94 2 1
                                    

Chapter 26- Tristan and Wendell

Gab's P.O.V

Gabing gabi na. Mga 10:00 na ata and instead of matulog or magsurf ng net like any other normal people do, nasa private jet ako, looking out the window and staring into the dark ocean scenerie.

Yes, wala ako sa bahay ngayon, and di rin ako papasok bukas sa klase dahil the Knights and I have something else to do at kailangan naming pumuntang Paris para doon.

Alam ni Ate for the whole time. She knows it and never told me a word about it. How can she be so cruel to me like that? Alam niyang importante sakin si Arianne pero wala siyang sinabi tungkol sa nangyari sakanya. Neither did the other. Feeling ko nga minsan, props lang ako na pinangsasantabi lang nila kapag hindi kailangan dahil sa wala naman akong masyadong halaga.

Wendy's resilient and madiskarte. She is fit to be the assistant leader of the Knights. Si Carlo, magaling sa computer and can speak multiple language, can hack into any system and a genius when it comes to Kendo.

Si Monica naman, malikot ang utak kaya kaya niyang ipredict ang pwedeng mangyari and never misses a shot if she wanted to. And si Arianne. She's just everything in one. She got beauty and brains, the vibe of a true leader and everything. Habang ako naman...ano? Anong maganda sakin?

Ang alam ko lang ay magModel ng kung ano anong brand ng pabango, damit, sapatos at iba pa. Ano bang nakita ng Pheonix sakin na makapapantay sa apat na yun?

"Di makatulog, bro?" Tanong ni Carlo habang nakatayo sa tabi ng kinauupuan ko sa jet. I gave him a half-hearted smile at tumango.

"Yeah. Marami lang kasing pumapasok sa utak ko na di ko makayanang makatulog," sabi ko at ngumisi si Carlo tsaka umupo sa harapan ko. Tumingin siya sa labas napabuntong hininga.

"I get you. Ganyan din ako ngayon. And also because of what Tristan said right into our faces," sabi ni Carlo at napakamot ako sa likod ng ulo ko. Yep. Isa pa yun.

"Starting to question the decision na ginawa ng mga Pheonix. Baka tama nga si Tristan dun. We're just not capable yet," sabi ko sabay simangot, "Or baka di nga talaga tayo capable. Lalo na ako."

"Woah, bro. Hindi ah!" Sabi niya habang nakangisi, "Bulan bulanan ka," sabay tawa naman niya.

"Oo sobra. Ang saya," sabi ko. Mark the sarcasm. Di ako ngumiti or nakitawa kay Carlo at napatingin lang sa labas. Napansin yun nu Carlo at tumigil na.

"Look, we all feel bad about what happened to Arianne. Especially you, I know."

"Everyone knows except her," sabi ko at napacross arms si Carlo and I swear pinipigilan niya yung sarili niyang humugot.

"Look. Ito na. Isinampal ni Tristan ang harsh truth sa mismong harap natin in a very critical time and Arianne didn't probably know. Oo, siguro dahil din yun sa inggit ni Tristan satin or maybe because he just can't show and say what he really feels and thinks."

Napatingin ako sakanya with a weirded out look. For all I know, Tristan is the most blunt person I know. Lahat nang gusto niyang sabihin sasabihin niya nang walang alinlangan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at napatingin siya sakin with a sad look.

"Everyone has darkness within. And Tristan'a darkness is the fear of losing someone dear. He cares for all of us, apparently, and sinabi niya lang yun dahil sa di niya kayang isabing nag-aalala talaga siya," sabi ni Carlo at may narinig naman kaming gumalaw sa gilid at nakita namin si Monica with tired looking eyes at nakalugay aang buhok.

"Anong topic niyo?" Tanong niya tapos humikab.

"Si Tristan."

"Huh? Anong meron kay Jin?" Tanong niya at nakiupo sa booth namin.

"Yung fact na baka tama nga siya sa mga sinabi niya tungkol kay Arianne," sabi ko at napabuntong hininga, "at sa atin."

"Damn. Oo nga pala. Yun," sabi ni Monica na biglang galing sa inaantok napunta sa normal na abnormal niyang sarili. I swear, and abnormal ay ang normal para sa babaeng yan, "Well, that's Jin for you."

"I know you don't mind what he said dahil nga sa kapatid mo siya, pero hindi ba't masyadong straight to the point where he became mean yung sinabi niya tungkol sa atin?" Tanong ni Monica at sinuklay ang bangs niya pabalik gamit ang mga daliri niya and umandig sa andigan ng upuan.

"Look and listen carefully. Oo, tama yung sinabi ni Wendy na na-iinggit si Jin sa atin dahil sa tayo ang naging Knights. Kahit ako, pinapakitaan niya ng pagkainggit niya minsan, but I learned to understand him since he is my brother and the first-born in which the first-born have the highest probability of successorship. At aminin niyo man sa sarili niyo, you doubt yourselves worthy of being the successors of the Knights."

Isa rin to. Hindi din siya naghohold back sa sasabihin niya.

"But, knowing my brother, that's not just the reason why he told us those harsh things," dagdag pa niya at inilapat sa table ang kamay niya at nagsimulang magtap dito as if making a code or something.

"Paliwanag?" Tanong ko at napatingin siya kay Carlo who flinched.

"Ayaw niyang mapahamak tayo," sagot niya at biglang tumigil ang pagtap niya at mayamaya nagsimula ulit, in another rhythm.

"Jin is a protective person kahit di halata sa mga asal niya. Alam ko ngang ibinilin niya ko kay Carlo eh," pangising sabi ni Monica at biglang nagulat si Carlo.

"What the--pano--"

"Hey, you may be the greatest hacker in the world that I know, but a woman's intuition is never wrong," sabi na naman ni Monica at natahimik nalang si Carlo at nagpatuloy lang si Monic, "As I was saying, mahalaga tayong lahat kay Jin. Kaibigan kayo ni Jin since nung mga bata pa tayo and he is afraid of losing the only friends he has. And I mean the only friends that he has."

"Only friends?" Naging malungkot ang mukha ni Monica nung tinanong ni Carlo yun at tumango.

"Loner si Jin. Yes, he may be attractive pero di siya magaling makipagkaibigan. Kaya nga ang lungkot niya nang sobra nang nagsipag-alisan tayo. The darkness within him is being Lonely," may idadagdag pa sana si Monica nang biglang may nagsalita para sakanya.

"At medyo mali din ang magalit ako sakanya. He felt incredibly sad nang mamatay si Wendell. She was his bestfriend," sabi ni Wendy na nakatayo lang sa likod namin. Napatibgin kaming lahat sakanya at nakitang expressionless and mukha niya and by the looks of it, kanina pa siya nakikinig.

"Yeah, naalala ko nga palang grabe ang pagmumukmok ni Jin nung nawala si Wendell," sabi ni Carlo at tumango ako. Si Wendell ang kakambal ni Wendy na namatay dahil sa Leukemia nung grade five kami. Kasa-kasama din namin siya lagi pero dahil sa sakit niya, madali siyang mapagod at lagi nalanv nanonood saming maglaro.

"I still can't believe she's gone for seven years now. Parang kahapon lang," sabi ko at napalayo ang tingin ni Wendy at napabuntong hininga.

"Tristan Jin dela Torre. Isang taong maraming sikreto at sakit na natatago. Hmph, hindi lang naman siya, diba?" pangiting tanong ni Monica at tumingin saming tatlo isa-isa. Dahil sa sinabi niyang yun, nabaling ang mga tingin namin.

"There are things that even friends don't share," sabi ko at nginitian ako ni Monica. A smile that doesn't show her cheerful and free-will personality. Yung ngiting parang may tinatagong ayaw malaman ng iba.

"But...are we really friends?" Tanong niya, sabay tayo, "Words go around fast. Akala niyo kayo kayo lang ang nakakaalam sa mga iniisip niyo sa grupo? Well, guess again."

Pagkatapos nun, umalis na siya at sumunod yung dalawa hanggang sa maiwan ako doon mag-isa.

"Saan ka na, Arianne, nang kailangan ka ng grupo?"

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now