"Hansol, sinong kasama mo sa bahay nyo?" Tanong nya.

"Ah, I live alone." I answered casually.

"Paano ka kumakain? Marunong ka magluto?" Tanong nya. Tumingin ako sakanya at nagtama ang mga paningin namin pero hindi na ako umiwas.

"Minsan nagluluto ako pero madalas sa labas na lang ako kumakain." Paliwanag ko.

"Nasaan ba ang. . . parents mo?" Maingat nyang tanong.

"Nasa States." Sagot ko at ngumiti sa kanya para sabihing ayos lang ang tanong nya. Ngumiti din sya at tumango.

"I live alone, either," sabi nya na ikinagulat ko. Mag-isa lang din pala syang naninirahan.

"Paano ka kumakain?" Pangbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Marunong akong magluto kaya minsan lang ako kumain sa labas." Paliwanag nya.

"Nasaan ang parents mo?" Maingat ko din na tanong.

"Nasa Jeju." Sagot nya at tumingin saakin habang nakangiti na para bang sinasabi nyang ayos lang sakanya ang tanong ko. Ngumiti din ako at tumingin sa daan. It isn't awkward anymore.

"Sol, sa bahay ka na kaya magdinner?" Tanong nya at pinisil ang kamay ko. Gusto ko pero nahihiya ako.

"Ayoko, nakakahiya," sabi ko at yumuko.

"Saakin ka pa nahiya?" Tanong nya at tumawa.

"Sa susunod na lang, Boo."

"Ayoko. Gusto ko ngayon na," sabi nya at pinisil pisil ang kamay ko.

"'Wag ka nga makulit. Ayoko, sa bahay ako kakain."

"Dali na, Sol! Pagluluto kita." The thought made me feel excited pero nahihiya talaga ako.

"Ayoko nga."

"Ayieee, papayag na yan," sabi nya at siniko siko ako. Ito nanaman sya. Ngumiti ako at yumuko.

"Ayoko, Kwan."

"Oh sige, ganito na lang, kapag may nakita tayong pusa na halo halo ang kulay ng balahibo at magkaiba ang kulay ng mga mata, papayag ka na!" Masigla nyang sabi at tumawa. Natatawa din ako.

"Okay," sabi ko at ngumiti ng malawak. Lumiko kami sa isang street at sa tingin ko ay malapit na kami sa bahay nya. Sana may lumitaw na pusang ganun. Teka, ano? Anong sabi ko? Sana wala, sana wala kaming makita.

"Ayun oh!" Sigaw ni Seungkwan at tumigil kami sa paglalakad kaya medyo nagulat ako. Tinuturo nya ang isang direksyon kaya tumingin ako doon. Nakita ko ang isang pusang may kulay na black, white, ginger, at gray na naghahalo sa balahibo nito. Iba din ang kulay ng mga mata, blue ang isa, green naman ang isa.

"Dinadaya mo ako, eh! Syempre taga dito ka at alam mong may pusang ganyan dito," saad ko at tumawa.

"Hahahaha! Sige na kasi, Sol!" Pamimilit nya pa rin habang tumatawa. Tinitigan ko lang sya na tumatawa.

"Oo na, tara na," sabi ko at nagsimula nang maglakad. Nagbunyi naman sya at sinabing ipapatikim nya saakin ang pinakamasarap na kimchi stew sa Seoul.

Nang makapasok kami sa apartment nya ay huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Tangina naman, oh. Amoy strawberry. Para syang amoy Seungkwan pero mas malakas. Konti na lang maadik na ako sa amoy na 'to.

Hinatak ako ni Seungkwan at pinaupo sa sala. Inilibot ko ang paningin ko at pinaghalong pastel pink and gray ang kulay ng apartment nya. May maliit na flat screen tv, isang maliit na flower vase sa tabi nito pero walang laman, aircon sa taas ng tv, isang maliit na center table sa gitna, at ang sofa na inuupuan ko. 'Yon lang makikita sa sala nya.

Saglit akong nahiya nang maisip ko kung gaano kakalat ang apartment ko kumpara sa apartment ni Seungkwan na sobrang linis.

Pumasok sya sa kwarto nya at lumabas na nakapambahay na. "Chill ka lang dyan, ah? Buksan mo yung tv kung gusto mo atsaka ingat ka, baka bigla ka nyang gapangin dyan."

Tumatawa syang pumasok sa kusina at iniwan akong kinakabahan. Sinong sya? Sinong gagapang sakin dito? Inabot ko ang remote at binuksan ang tv. Dahil na rin sa pagod ay humiga ako sa sofa.

Bwisit, inaantok ako. Sa amoy at kulay ba naman kasi ng apartment nya, paanong hindi ka aantukin? Humikab ako at tumingin sa ceiling. Unti unti kong nararamdaman ang bagsak ng mga talukap ko. Matutulog muna ako saglit.

Imperfectus | ON HOLDWhere stories live. Discover now