Parang ikaw?

Teka, ano? Tangina, Hansol ano bang nangyayari sayo? Hibang ka na ba? Ano ba yang mga sinasabi mo?

Naramdaman ko ang labi ni Seungkwan sa noo ko dahilan kaya agad akong bumangon at umupo. Nanatili syang nakadapa at tingnan ako ng seryoso sa mata. Kahit na hindi ako kumportable ay nilabanan ko ang mga titig nya.

Gumulong sya at tumihaya. Itinaas nya ang isa nyang palad at ang isa nya namang palad ay nasa dibdib nya. Kamay nya ang tinitigan nya imbes na ang langit. Magsasalita na sana ako nang unahan nya ako.

"Oo na. Alam ko po, straight ka," sabi nya nang hindi tumitingin saakin.

"Wala pa akong sinasabi," sabi ko at humiga din sa tabi nya. Opposite side nga lang, bale ulo lang namin ang magkatabi.

Itinaas ko din ang isa kong palad at ang isa ay inilagay ko sa dibdib ko. Normal lang tibok ng puso ko pero bakit ganun, wala itong nararamdaman?

"Sol, naririnig mo ba?" Tanong ni Seungkwan nang hindi pa rin tumitingin saakin.

"Ang alin?" Tanong ko pabalik nang hindi rin tumitingin sakanya.

"Eto," sabi nya at hinawakan ang palad kong nakataas para gabayan papunta sa dibdib nya. Unti unti kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso nya.

Unti unti ko ring naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa isa ko pang palad.

I withdrew my hand and let it rest beside me with my other hand still on my chest.

"Boo, bakit mabilis?" Tanong ko at tumingin sa langit.

"Hindi ko din alam, eh. Ngayon lang 'to naging ganito nang hindi ako gumagawa ng bagay na magpapabilis sa tibok nya." Paliwanag nya at ngumiti.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa langit na unti unting dumidilim. Uulan.

"Sol, hindi 'yon gaya ng iniisip mo," bulong nya at tumingin saakin.

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa langit pa rin.

Yes, iniisip ko na baka in love si Seungkwan saakin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na masyadong mabilis. Ang ma-in love naman kasi sa isang tao ay hindi sa tagal ng pagsasama nakabase, sa pinagsamahan. Seungkwan is a fragile person who seeks love and understanding. Hindi malabong ma-in love sya saakin. Ganon din naman ako pero falling in love with a guy? I don't think so.

"Hindi pa ako in love sayo," bulong nya na halos hindi ko na marinig.

"Pa? Boo, straight nga ako," sabi ko at mahinang tumawa. Bakit ako tumatawa?

"Joke lang hahahaha. Seryoso, hindi ko pa alam ang pakiramdam ng ma-in love eh kaya hindi ko din alam," sabi nya at tumawa.

"Wala namang kamahal mahal saakin, Seungkwan." Seryoso kong sabi at tumingin din sakanya.

"Hindi ko deserve yan." Dagdag ko at tumingin sa palad nyang nasa dibdib nya pa rin.

"Hindi kita deserve," sabi ko at tumingin sa mga mata nya.

Mahina syang tumawa at tumingin sa langit. Tumingin din ako sa langit at nakitang madilim na 'to.

"Hansol, kelan mo ba mamahalin ang sarili mo? Hansol, ang dami daming kamahal mahal sayo kung alam mo lang. Hansol, para saakin worth it ka para dito, para saakin," dahan dahan nyang sabi na para bang kailangan ay naiintindihan ko ang bawat salitang binibitawan nya.

Umupo ako at pinagpag ang likod ko. Tiningnan ko sya at nakatakip ang mga palad nya sa mga mata nya. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko na alam ang isasagot.

"'Wag kang umiyak." Pang-aasar ko. Tinanggal nya ang mga palad nya sa mga mata nya at tiningnan ako ng masama.

"Ulol! Bakit naman ako iiyak?" Sabi nya umupo na rin.

Tumayo na ako at nilahad ang kamay ko sakanya para tulungan syang tumayo. "Tara na. Uulan na."

Tinanggap nya ito ay tumayo. Pinagpagan nya ang sarili nya at nagsimula na kaming maglakad. Hindi nya na binitawan ang kamay ko at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ko ring bawiin ang kamay ko.

Naglakad kami pabalik sa canteen kung nasaan sila hyung habang magkahawak ang mga kamay namin.

Anong ginagawa mo, Hansol?

-°-

-°-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Imperfectus | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon