WH20

717 42 26
                                    

Kung p’wede lang akong tumakbo nang sobrang bilis, tulad ng kabayo upang makalayo, ginawa ko na. Ngunit panira ang takong ng suot kong sandal. Kanina pa ako nayayamot sa taong sumusunod ngayon sa akin. 

“Miss Tolentino, kilala mo si Jonny Depp?”

Wala akong naririnig. Aso lang ‘yun na feeling nagsasalita. Wala itong magawa sa buhay kaya sunod nang sunod. Pagtiyagaan na lang.

“Sabi niya, you can close your eyes to the things you do not want see, but you cannot close your heart to the things you do not want to feel.”

Ano namang pakialam ko sa kung ano ang sinabi ni Jonny Depp? Bubusugin niya ba ang tiyan kong gutom ngayon dahil sa inis? Maalis ba nito ang galit ko sa ‘yong hunghang ka?

“Sette...”

“Usap naman tayo...”

Kinuha ko ang inalok ng isang staff na cupcake saka ako naglakad para hanapin si Artemis. Natapos na rin akong magtanghal ngunit hanggang ngayon kabado pa rin ako. Paano ba naman kasi, kung maka-video si Winther wagas. Kulang na lang ibato ko sa kan’ya ang microphone.

“Miss Tolentino.”

Lumiko ako ng daanan upang makalayo sa taong kanina pa tawag nang tawag sa akin, ngunit sumunod pa rin ang baliw. Binilisan ko lalo ang paglalakad na dahilan upang matapilok ako, at matumba. Buti na lang naisangga ko pa ang aking mga palad bago pa man maglanding sa sahig ang mukha ko.

Damn! Para tuloy akong nag-plucking.

“Miss Tolentino!” Isang nakakabadtrip na tawag na naman ang aking narinig. Palapit ito sa aking p’westo.

“Arrgh! Kainis!” I exclaimed in annoyance. Nag-cramps pa ang paa ko at siguradong nagasgasan ang palad ko. May narinig akong mga tawa mula sa aking likuran kaya mabilis akong tumayo at pinagpag ang dalawa kong kamay at inayos ang aking palda. Buti na lang may suot pa akong short, kung hindi, doble-dobleng kahihiyan ang aabutin ko.

I looked around, all eyes are fixed towards me.

Oh Lord, sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Gusto ko silang sigawan dahil sa mga natatawa nilang itsura ngunit ‘di ko magawa.

“Ladies and men.” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Winther sa aking tabi. Kanina lang ay medyo malayo na siya sa likuran ko. Siya ‘yung kanina pa sumusunod sa akin at salita nang salita ng kung anu-ano para lang kunin ang atensyon ko.

“Uulitin ko,” he said with a calm voice. “Ladies and men, gusto kong tigilan na ninyo ang pagtawa dahil napapahiya na itong babaeng nasa aking tabi. Okay lang na pagtawanan niyo siya, pero ang ‘di siya tulungan pagkatapos siyang pagtawanan ay hindi tama. Ngayon, kung busy kayo, magsialis na kayo.”

Napakunot ang aking noo. Anong drama nito sa buhay?

Tumingin ako sa mga matang nakatingin sa akin kanina. Nahiya yata kaya nagsialisan sila at ‘di na ako tiningnang muli. Nang mawala na sila sa aking paningin, I heard a laugh from Winther.

Nang lumingon ako, tumigil siya ngunit halata sa mukha niyang nagpipigil siya ng tawa. “May nakakatawa? Pagkatapos mo silang pagsabihan na huwag ako pagtawanan, ikaw naman ang tatawa? May saltik ka rin, ‘no?”

“Pasensya ka na,” labas sa ilong nitong hingi ng paumanhin. Natatawa pa rin kasi siya. “Sino ba kasi nagsabing tumakbo ka palayo sa akin? Wala bang nabali? Okay ka lang ba?”

“Pagkatapos mo akong pagtawanan? Wow, ha. Salamat,” sarkastik kong sagot bago siya muling tinalikuran. Masakit pa kaunti ang aking binti dala na rin siguro ng pagkabigla. Paika-ika tuloy akong maglakad.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon