WH12

761 43 13
                                    

Totoo pala na ang galit, tutupukin ka nang pinung-pino. Ito ay parang malamig na apoy-apoy na hindi nagbibigay ng init kundi lamig. Alam kong ang galit ay dahilan kung bakit ‘di ako makausad, pero masisisi ba nila ang isang taong tulad ko na nakaranas ng ganoon?  Masisisi ba nila ako kung hindi ko magawang magpatawad?

Nakakuyom ang aking kamao, pinipilit kong huminga dahil tila nauubusan ako ng nalalanghap na hangin. Pulang-pula na rin siguro ang aking mukha dahil sa galit at pagkamuhi sa taong nasa harapan ko ngayon.

“Hindi mo ba ako mapapatawad?” tanong niya habang pinupunasan ang dugong umaagos sa kaliwa niyang pisngi dahil sa pagbato ko sa kaniya ng cellphone na hawak ko kanina. I just couldn’t bear the sight of him. Nasusuka ako. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante pero wala akong pakialam.

“Nakaraan na ‘yun. Kalimutan mo na,” dagdag nito.

Akala ko gago lang siya, isa rin pala siyang oportunista!

Damn being mute. Damn being voiceless. Gustung-gusto ko na siyang sigawan at ipamukha na kahit patayin pa nito sa aking harap ang kaniyang sarili, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Tumalikod ako. At sa aking paghakbang palayo mula sa gate ng school, kita ko ang panghuhusga sa mata ng mga tao. How dare these people show mercy for that devil? How dare them for judging me base on what their eyes see.

Pagsakay ko sa jeep, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. If I could only release the pain inside my chest, I wouldn’t feel like dying. Because right now, all I can do is cry. What a shitty life I have.

-------

Wala akong ginawa kundi ibunton ang aking atensyon sa paggawa ng financial statement ng bakeshop na ipinaubaya ng kaibigan ko sa akin. Mas mabuti na raw na huwag muna ako mag-kahera dahil sa kondisyon ko. Alam niya kasi na mas gusto kong tuluy-tuloy ang iniisip ko kaysa nakatunganga lang sa counter kung walang kustomer. Pagkatapos ng shift ko, agad akong nagpa-extend ng dalawang oras. Ngunit matapos ang dalawang oras ay pinagpapahinga na ako ng aking kaibigan kaya wala akong nagawa.

“Kung ayaw mo pa na matulog, d’yan ka na lang muna. Kailangan mo ba ng cellphone? I have a spare one.”

Umiling ako sabay pakita sa kanya ng slate board. “I’ll just use this.”

Ngumiti siya sabay tango. Bumalik na rin ito sa paggawa ng term paper. Umupo akong muli sa dulo ng coffee shop at nagbukas ng wattpad account ko. Bumungad agad sa akin ang napakaraming notification. Hindi kasi ako nagbukas nang nakaraang gabi. Pumunta ako sa aking message board at nag-post.

“Can I just go? Can I just stop existing?” I posted. After a few minutes, napakaraming nagpadala ng positive comments, saying that I can get through with it. I was about to close my browser when a comment caught my attention.

“Napakaraming gustong madagdagan ang buhay nila babe. Gusto mo share na lang tayo sa buhay mo? Paghatian natin para pantay. Kumbaga kung ang buhay mo ay magtatagal ng 80 years, hingin ko ang kalahati. Para at least, sabay tayo. Hahahaha. Jokolang! Pansinin mo na message ko. Kagabi pa ako nagme-message sayo.”

Napailing ako nang bahagya. Muntikan ko nang makalimutan na may naghihintay pala sa akin kapag gabi. Medyo may sakit pa kasi ako kagabi kaya natulog ako nang maaga. Tiningnan ko ang oras, 10:02 pm. Huminga ako nang malalim at binuksan ang mensahe niya.

FIVEMONTHS: SQUAAAASSHHH!

FIVEMONTHS : Loading…

FIVEMONTHS :█▒▒▒▒▒▒▒▒▒ 10%

FIVEMONTHS: ███▒▒▒▒▒▒▒ 30%

FIVEMONTHS: █████▒▒▒▒▒ 50%

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon