WH11

734 44 17
                                    

Minsan, kahit pa anong iwas natin sa ulan kung bigla itong bubuhos, wala pa rin tayong magagawa. Minsan, bubuhos na lang ito kung kailan wala tayong payong na dala. Tulad na lang ngayon, naisipan kong pumunta sa parke para magpahangin, ngunit bigla na lang bumuhos ang ulan. Sumilong ako sa waiting area na walang tao. Sana lang hindi ako makita ng taong ayaw kong makita.

Tinanggal ko ang aking I.D strap at pinangtirintas ko sa aking buhok dahil basang-basa na. Nilagay ko naman ang I.D ko sa shoulder bag ko. Ramdam ko ang ginaw ng upuang semento sa aking pag-upo, pero hindi ko na lamang ininda. Napayakap ako sa aking sarili habang hinihintay ang sandaling pagtila ng ulan. Tiningnan ko ang oras, alas kwatro nang hapon, napaaga ito. Sana kanina pa ako pumunta sa bakeshop para hintayin na lamang ang 5:00pm to 8:00pm na duty ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang may kulay puting motor na huminto sa harapan ng waiting shed. Ang nakasakay rito ay mabilis na bumaba at pumasok sa loob. Pumuwesto ito sa kabilang upuan, nakaharap ito sa akin. Pagtanggal nito sa suot niyang helmet, nalaglag ang aking panga. My stomach churned. Kung may iniinom lang siguro akong tubig, kanina pa ako nabulunan.

Siya na naman.

Para siyang ulan, hindi ko inaasahan, pero dumating.

Nag-iwas ako ng tingin bago pa man nito maiangat ang kan’yang mukha papunta sa akin. The last thing I wanted is to see his eyes again. Instead of thinking about this guy, I just look at the other side of the shed and watch the rain as it falls from the roof. Gusto kong tumingin sa p’westo niya pero natatakot akong makita siyang nakatitig sa akin. Ang lakas lakas ng presensya niya na halos ‘di na ako makahinga.

What the hell is happening to me? Epekto ba ito ng lamig at puyat ko? Nakalimutan ko pang kumain ng lunch.

Imbes na panoorin ang ulan ay muli ko na lamang kinalikot ang phone ko. Halos tatlumpung minuto rin akong nag-i-scan sa account ko sa wattpad. Nang mapansin ko na lalong lumalakas na ang ulan, nag-text na ako sa kaibigan ko na baka late ako makauwi.

Tatayo na sana ako para umalis nang marinig ko ang lalaki na tumikhim. Napatingin tuloy ako sa gawi niya.

“Na-stuck ka rin?” nakangiting usisa niya. Sobrang random ng kan’yang tanong na dahilan upang mapataas ako ng kilay.

Mukha bang hindi? Mukha bang nandito ako para maramdaman ang lamig ng hangin at ulan? Mukha bang nag-e-enjoy ako sa sobrang lamig, partida, basang-basa pa ako?

“Madalas kitang makita ah,” dugtong niya. I stare him with disbelief. Mula sa aking mukha, ang kan’yang tingin ay lumipat sa aking buhok. “Wala ka bang panyo? Basang- basa ka na.”

Alam ko, hindi ako manhid para ‘di ko maramdamang basang-basa ako.

Teka, bakit ba nakikipag-usap ‘to?

Napansin niya yatang hindi na ako komportable kaya muli itong tumingin sa akin. His dimples showed up again, revealing an infectious smile. “Ang tahimik kasi, hindi nakakatulong ang buhos ng ulan. Peace tayo, ang daldal ko ba?”

Hindi, hindi ka madaldal, sobrang nakakabingi nga ang katahimikan mo e’,” sabi ko sa aking isip. ‘Yun ang mga salitang gusto kong sabihin. Itinaas ko ang aking kamay, isinara ko ang aking mga daliri at saka ito muling ibinuka malapit sa aking bibig. Umiling ako pagkatapos. Isinesenyas ko sa kan’ya na ‘di ako nakakapagsalita. Hindi pa ba niya ito halata noong nasa bakeshop siya? 

“Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin sa akin,” sabi niya at bahagyang natawa. “P’wedeng lumapit? Promise, ‘di ako masamang tao. Swear.” Nang itaas niya ang kan’yang kamay habang nangangako, gusto kong tumawa pero pinigilan ko.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon