WH5

700 37 24
                                    

Hindi ako mabait pero naging mabuti akong tao. Yet, being too kind is not good. Kailangan rin pala na marunong tayong umayaw sa bagay-bagay. Lalo na kung labag ito sa ating prinsipyo at paninindigan.

Here I am again, writing my pains. After pouring those words in my drafts, I opened my messages. May mga mensahe na naman siya. May mga reply rin ito noong last na conversation namin.

FIVEMONTHS: Teka.

FIVEMONTHS: Huwag ka munang mag-o-off.

FIVEMONTHS: Wala naman akong ibig sabihin du'n sa sinabi ko. Gusto lang talaga kitang kausap.

FIVEMONTHS: Huy!

FIVEMONTHS: Twelve pa lang. 'Di ba hindi ito oras ng pagtulog mo?

FIVEMONTHS: I guess you dumped me again. ( ︶︿︶)

-------

FIVEMONTHS: It's exactly 10 o'clock. Tuwing ganitong oras na lang ako maghihintay sa'yo. Eight days akong 'di nagparamdam dahil sa exams pero 'di ka man lang nagpadala ng kahit isang message.

FIVEMONTHS: Sadlayp:)

FIVEMONTHS: ( ̄▽ ̄)ノ

FIVEMONTHS: Malapit nang matapos ang isang buwan. Pagtiisan mo na ako. The leaves will all fade away soon.

FIVEMONTHS: Alam mo bang kanina habang naglalaro ako ng chess, naisip kita?

FIVEMONTHS: Tanong mo kung bakit.

FIVEMONTHS: Oh sige ako na magtatanong.

FIVEMONTHS: Bakit Fivemonths?

FIVEMONTHS: Kasi para kang 'yung reyna, ako naman 'yung hari.

FIVEMONTHS: Tanong mo ulit kung anong konek.

FIVEMONTHS: Sige ako na lang ulit.

FIVEMONTHS: Parang tayo. Walang konek. Yuko na ako. Kahiya. Hahahaha. (。。)

FIVEMONTHS: Samahan mo naman ako. Bored na bored na akong mag-isa rito. Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong examination ang ginawa sa akin? Hindi mo ba tatanungin kung anong review?

FIVEMONTHS: Baka mawawala ako ng isang buwan.

FIVEMONTHS: Reply ka na. Please..

FIVEMONTHS: Alam mo bang may nagtanong sa akin dati?

FIVEMONTHS: Tanong niya, bakit daw hindi ako takot? Why am I happy despite of everything I've been through. Alam mo ang sagot ko?

FIVEMONTHS: Sabi ko, takot ako.

FIVEMONTHS: I think I'm most scared. Takot ako sa mga alon, sa mga malalakas na bagyo, sa mga daluyong.

FIVEMONTHS: Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na ang imahinasyon ay mas mataas kaysa sa reyalidad. If I imagine that I'm strong, I am.

FIVEMONTHS: Takot rin ako. There are monsters inside of us. The monsters are the doubts and fears of our own mind, and just like a hero, we have to overcome them and not let them prevent us from doing something big.

FIVEMONTHS: Galing ko 'di ba?

FIVEMONTHS: Huhu. Dami ko nang k'wento pero wala ka pa ring k'wenta.
FIVEMONTHS: Joke! Hahaha.

FIVEMONTHS: 11:11

Slowly, as I read his messages, I felt something within me. Nanibago ako. Ramdam ko ang sinseridad niya. Alam kong may gusto siyang sabihin pero binabalewala niya ang kagustuhang 'yon. Hindi ko na sana siya re-replayan pero hindi ko mapigilan. Somehow, I want his presence.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon