WH6

691 39 25
                                    

Today, it's exactly one month. Isang buwan na ang nakalipas mula nang una ko siyang na-encounter sa online community. He was away for thirteen days, never had any messages, never said hi or hello. He left without saying goodbye. Hindi na siya nag-reply simula nang magtanong ako kung ano ang ibig niyang sabihin sa huli niyang mensahe.

Ngayon, hindi ako nagbukas ng wattpad para magsulat kundi hintayin na naman ang mga sagot niya sa aking katanungan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako matahimik. Malay ko ba kung may masama pala siyang binabalak. Tatlumpung minuto na lang and it will be 10 o'clock pm in my watch. Gusto kong magpadala ng message pero natatakot akong mabasa niya. Baka sabihin niyang interesado ako sa buhay niya kaya hindi ko na itinuloy.

Habang naghihintay, gumagawa ako ng income statement. Nasa kalagitnaan ako ng konsentrasyon nang tumunog ang notification bar ng phone ko. I immediately grab it and open. The moment I saw his username, I felt relieved.

FIVEMONTHS: 10 o'clock na!!!

FIVEMONTHS: Kalabaaasaaaaa!

FIVEMONTHS: Hindi ako naka-reply. Akala ko kasi wala kang pakialam kahit anong sasabihin ko :(.

FIVEMONTHS: Bakit ganu'n? 'Ala ka man lang reply sa loob ng araw na nawala ako. Awts.

FIVEMONTHS: 'Di mo ako namis?

FIVEMONTHS: Ang hirap mo kayang tiisin tapos ako natiis mo? Sakit.

FIVEMONTHS: Ang korni ko na naman ba?

FIVEMONTHS: Sagutin ko na tanong mo. Reply ka na:((((

FIVEMONTHS: Tagos na sa heart pambabalewala mo:(((

FIVEMONTHS: "There will come a time when someone suddenly comes into our life like the wind, makes us feel the warm and cold feelings we never felt before, but eventually leaves." Nabasa ko. Ano 'tong nasa message board mo? Sinong nawala? Bakit ka nag-post ng ganito? Papahanap ko kay Tulfo.

FIVEMONTHS: 'Eto pa, "Sometimes it's better to pretend that you don't care than admitting to yourself that it's killing you."

FIVEMONTHS: Ano 'tong pinagpo-post mo sa message board mo nang wala ako? Ha?!

FIVEMONTHS: SAGOT!!!!!SINO NANAKIT SA KALABASA KO?!

FIVEMONTHS: Reply ka na please. Isang oras lang ako p'wede sa radiation...

FIVEMONTHS: 'Di p'wedeng ngthal.

FIVEMONTHS: *magtagal.

Magbabasa na lang sana ako ng mga sasabihin niya pero binigyan na naman niya ako ng dahilan upang magreply. Hindi ko alam kung patibong niya lang ba ang mga sinasabi niya para kunin ang atensyon ko, but he succeeded. Huminga ako ng malalim bago magreply.

SQUASH: Bakit bawal?

FIVEMONTHS: 0_________0

FIVEMONTHS: 0_________=

FIVEMONTHS: Hart hart!

FIVEMONTHS: Waaaaaaah!

FIVEMONTHS: kwfngvrbg ksjqevhlcenfjcklcsgr!

FIVEMONTHS: Ilusyon lang ba 'to?

FIVEMONTHS: Nag-reply ka!!!! Ayieeh

SQUASH: Tigilan mo nga ako. Ang baduy mo.

FIVEMONTHS: Huhuhuhu. Taob na naman si ako:(((

SQUASH: Kung gusto mo ng matinong reply, magtino ka.

FIVEMONTHS: Ano na nga ulit 'yung tanong mo? Tamad na akong mag-scroll. Hahaha

SQUASH: Mamamatay ka na?

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon