WH17

634 39 21
                                    

One month left….

Ilang gabi na akong puyat kakahintay sa message ni Five ngunit wala pa rin. Pakiramdam ko, isang taon ko na siyang hindi nakausap. Alam kong hindi lang simpleng emergency ang nangyari sa kan’ya. Sa ilang buwan naming pagpapalitan ng mensahe, nakilala ko na siya. Hindi siya ‘yung tipo ng tao na mang-iiwan na lang nang walang dahilan. Hindi siya aalis nang hindi nagpapaalam. Kaya labis akong nag-iisip kung ano ba ang posibleng nangyari.

I don’t know why I felt so frustrated for the past days that he didn’t  left a single message.

I tried calling Winther Torres by his number to ease the pain I’m feeling and to divert my attention, but I can’t reach him too. Ang hirap hirap kapag hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa mga taong naging malapit sa akin. Sinabi ko ang lahat kay Artemis dahil siya lang naman ang kaibigan ko, pero sinabi niyang baka napa-paranoid lang ako. Hanggang ngayon din kasi, nakatira pa ako sa kanila. Sinubukan niya rin na tawagan si Winther pero cannot be reach talaga.

Nang makita kong 10:00pm na, agaran kong kinuha ang laptop at binuksan ang aking account sa wattpad. Muntikan na akong mahulog sa kama nang makita kong may message, sa wakas, si Five. Nagkahalu-halo ang galit, sakit, at saya sa puso ko. Mas nangibabaw nga lamang ang inis.

FIVEMONTHS: Hi Squash:”)

FIVEMONTHS: Squash!!!

FIVEMONTHS: Kain tayo.

FIVEMONTHS: I miss you so damn much!

FIVEMONTHS: Kagagaling ko sa ibang planeta. Hahaha

FIVEMONTHS: Alam mo bang noong nandun ako, ikaw iniisip ko?

FIVEMONTHS: Squash!

FIVEMONTHS: Narito na ako ulit.

FIVEMONTHS: Squaaaash!

FIVEMONTHS: Nalaman ko na rin pala ang favorite food ko.

FIVEMONTHS: Kangkong.

FIVEMONTHS: Alam mo ba na dati, may mag-asawang Kang at Kong? Noong nagkaanak sila, pinangalanan nilang Kangkong. Astig ‘no?

FIVEMONTHS: Huhuhuhu. Kakausapin ko na naman ba sarili ko?

FIVEMONTHS: Squash, noong nagbuhos ba si God ng talent, nasa labas ka? Talent mo kasing punuin ang utak ko ng pangalan mo. Hihihihi

FIVEMONTHS: Squash!!!

FIVEMONTHS: Kalabasa help me to smile again. Si Limang Buwan ay nalulugkot dahil ‘di ka niya matanaw sa gabing mapanglaw.

FIVEMONTHS: Pero jokolang. Lalim ng tagalog, hindi ko mamaya mapanindigan.

FIVEMONTHS: Hanggang kailan na naman kaya ako maghihintay sa wala?

FIVEMONTHS: Parang awa mo na Squash, namimis ka na ng heart ko. Huwag mo naman panindigan ang walang forever na title natin.

FIVEMONTHS: Saklap kaya.

FIVEMONTHS: Alam mo bang noong nalulungkot ako, nagbabasa ako sa timeline ni Vice Ganda? Kilala mo ba ‘yun? Kahit baliw ‘yun, napapatawa niya ako maliban sayo. Hahaha

FIVEMONTHS: Noong may nagtanong kay Vice kung bakit bawal manood ng teleserye sa radyo.

FIVEMONTHS: Sagot niya dahil bawal daw tanga sa mundo.

FIVEMONTHS: Tapos may tanong din kung paano ba malalaman kung mahalaga ka sa isang tao.

FIVEMONTHS: Malalaman mo raw na may halaga ka kung sinuklian ka. Astig siya sumagot ‘di ba? Galing ng sagot niya.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon