WH7

641 44 3
                                    

“Manong para po!” sigaw ng isip ko sa drayber ng jeep. Gamit ang coin na hawak ko, pinatunog ko bakal na nasa aking tabi. Sobrang lakas ng ulan kaya nahihirapan akong mag-desisyon kung saang parte ako sa parke bababa. Nang huminto ang jeep, agad kong iniabot ang pamasahe ko sa aking katabi.

“Kuya pasuyo.” 'Yun ang gusto kong sabihin. Pero kinalabit ko na lang katabi ko. Ito ang mahirap sa 'di nakakapagsalita.

Napatingin ang lalaki sa akin. He’s wearing eyeglasses but I know that his eyes color are brown.

Isinenyas ko ang aking kamay. Agad niya namang naintindihan. I don’t know what happened but I saw his lips curved upward after getting my fare. Nginitian niya ako na para bang kilala niya ako. Baliw! Pagkatapos kong ibigay ang pamasahe ko sa kanya, agaran na akong bumaba.

Tumakbo ako hanggang makarating sa waiting shed ng parke. Tiningnan ko ang aking relo, it’s already nine o’clock. Kahit ayaw kong mabasa, wala na rin akong magagawa. Dahil mahigit isangdaang metro na lang naman ang layo ng bahay, tinakbo ko na lang.

Pagkarating ko sa bahay, wala na naman akong naabutan. I changed my clothes and did my usual routine. Nagluto para sa ama-amahan ko at naglinis sa maruming bahay. Kung wala lang akong part time job sa bakery ng kaibigan ko, nagagawa ko sana lahat.

It’s 10:28 pm when I finished everything. Bukas na lang ako mag-review. Nang hihiga na sana ako para maagang makatulog, naalala ko si Five. Tumayo ako at kinuha ang phone sa aking bag. Buti na lang waterproof ang bag na gamit ko. Pagkabukas ko ng aking wattpad. Tumambad na ang napakaraming message galing sa kanya.

FIVEMONTHS: Nagkasala ako Squash:((((

FIVEMONTHS: May naging instant crush kasi ako (^___^)

FIVEMONTHS: 'Di ka naman magagalit 'di ba?

FIVEMONTHS: Nagtaksil ako. Huhuhuhu.

FIVEMONTHS: 'Yung nakita kong babae, ang cute sana kaso mataray ang kilay.

FIVEMONTHS: Pero ang epic ng first encounter namin.

FIVEMONTHS: Bakit wala ka pa rin? 10 o’clock na.

FIVEMONTHS: Limang minuto na ang nakalipas.

FIVEMONTHS: May iku-k’wento a

FIVEMONTHS: *ako

FIVEMONTHS: May nakita talaga akong nakakatawang babae kanina. Nagbigay ng piso sa akin imbes na ten pesos sana.

FIVEMONTHS: Nilibre ko tuloy siya ng nine pesos.

FIVEMONTHS: ‘Oy!

FIVEMONTHS: ‘Tol!

FIVEMONTHS: Brad!

FIVEMONTHS: Baby?

FIVEMONTHS: Squashy?

FIVEMONTHS: Pumpkin! Ayieee! Tama pumpkin na lang!

FIVEMONTHS: Ay huwag na! Mas orig ang kalabasa.

FIVEMONTHS: Babes Squash!

FIVEMONTHS: Babe lang pala! Singular kasi nag-iisa ka lang. Hahahaha.

FIVEMONTHS: Knock knock!

FIVEMONTHS: Who's there?

FIVEMONTHS: Kalabasa!

FIVEMONTHS: Kalabasa who?

FIVEMONTHS: The kalabasa you love. Hahahahaha!

FIVEMONTHS: Ang tanga mo Five! Dapat kanta 'yun!

FIVEMONTHS: TT_TT

FIVEMONTHS: Wala na akong maisip na punchline!

FIVEMONTHS: May balak ka bang mag-reply?

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon