WH3

859 48 7
                                    

Nanginginig ako sa sobrang emosyon na aking nararamdaman. Feeling ko ay unti-unting akong nalalagutan ng hininga. Pinilit kong magsalita ngunit hindi ko magawa. Gusto kong manuntok ng tao habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada pauwi sa bahay. Kung bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng ganu'ng ama-amahan. Wala silang kwentang lahat.

Bago pa man ako makaisip ng kung anu-ano, tinungo ko ang parke na dati kong tambayan tuwing ako ay nag-iisa. Ayaw ko munang umuwi. Umupo ako sa swing na pang-dalawahan. Marami pa rin ang tao kahit madilim na. Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan. I opened my data connection and opened my wattpad application. Dito lang naman ako naglalabas ng sama ng loob.

Bago pa ako makatipa, sunud-sunod na notification ang natanggap ko. Inuna ko ang mga message. I didn't expect that FIVEMONTHS has been messaging me for the past three days. Hindi kasi ako nagbabasa ng messages.

FIVEMONTHS: May sasabihin ako. Type 'seen' kung nababasa mo na 'to. Dali na!

FIVEMONTHS: May mga updates ka naman, bakit 'di ka namamansin?(>'<)

FIVEMONTHS: Limang buwan lang hinihingi ko 'di mo pa ako mapagbigyan.

FIVEMONTHS: Wala akong ganang mag-update ng k'wento ko. Bigyan mo naman ako ng inspirasyon.

FIVEMONTHS: Kalabasa!

FIVEMONTHS: Bakit pala kalabasa ang pen name mo?

FIVEMONTHS: Kung mahilig ka pala sa kalabasa, bakit 'di malinaw paningin mo? Parang 'di mo ako nakikita? Sadlayp:(

FIVEMONTHS: Ngiti ka na. 'Yung ganito kalapad (^_^)

FIVEMONTHS: 'Yung ganito pala (^_______^)

FIVEMONTHS: Two days since you replied. Aasa pa ba ako?

FIVEMONTHS: Maniniwala na ba ako sa sinasabi nilang 'sometimes to get someone's attention is to stop giving yours'?

FIVEMONTHS: Three days na.

FIVEMONTHS: It's seven o'clock, I'll wait for three hours. Kapag wala ka pa....

FIVEMONTHS: Edi wala. Sakit(>_<)

FIVEMONTHS: Don't get me wrong. It's not like I'm worried about you. But if you don't come back, I'll never forgive you.

FIVEMONTHS: Joke lang. Hahaha. Napapa-english tuloy ako.

Tiningnan ko ang oras, it's quarter to nine. Baka nga nag-aantay pa siya. It's funny how things work in this planet, kung ano ang 'di mo hinihingi, ito 'yung dumarating o ibinibigay sayo. Kapag naman bagay na kailangan at hinihingi mo, hindi dumarating. Ganu'n ba dapat kakomplikado ang mundong ating ginagalawan?

SQUASH: Nawalan ka na ba ng pride? Bakit hanggang ngayon 'di ka pa rin tumitigil?

FIVEMONTHS: Yes! Nag-reply ka sa wakas!

SQUASH: Aren't you busy with your life? Ganito ba trip mong laruin?

FIVEMONTHS: Huy, ba't ang seryoso mo? Did something happen?

SQUASH: Wala.

FIVEMONTHS: Ang tipid mo mag-reply.

SQUASH: K

FIVEMONTHS: K-zoned</3

SQUASH: Shut up.

FIVEMONTHS: Ang cute mo talaga(@_@)

SQUASH: Baliw, emoji 'yan ng natamaan sa ulo.

FIVEMONTHS: Hindi gan'yan ang natamaan. Ah basta! Cute ka.

SQUASH: Ogags!

FIVEMONTHS: Wala kang sense kapag ako ang nagpapadala ng message 'no?

SQUASH: (>_<)

FIVEMONTHS: Ah teka, baka makalimutan ko. Bakit squash ang penname mo? P'wede namang talong? Mas astig. Hahaha

SQUASH: Sayo na 'yang talong na sinasabi mo.

FIVEMONTHS: Ay si Miss Writer, ang green. Hahaha

SQUASH: Ewan ko sayo. Patokhang ka na. Wala ka ba talagang magawa sa buhay?

FIVEMONTHS: Meron. Ang guluhin 'yung natutulog mong puso.

SQUASH: Yak! Kilabutan ka nga.

FIVEMONTHS: Sweet ko kaya. Ako na lang ang lalaking ganito. (^____^)

SQUASH: Gusto mong mamura?

FIVEMONTHS: P'wedeng mahalin na lang?

SQUASH: 'Langya ka. Tumigil ka nga sa kakornihan mo.

FIVEMONTHS: Halos kaya lahat ng manunulat sa mundo ay korni or cheesy.

SQUASH: I'm not a romance writer.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Alam ko, kaya nga ang boring ng buhay mo e. You love mysteries but you don't know about love.

SQUASH: Love isn't a mystery. People are just too drown to it. Halukay sila nang halukay tungkol sa topic na 'yan. Love is love, ganu'n 'yun kasimple.

FIVEMONTHS: Love isn't just a simple thing. You should know that. A writer should know that. Even Sherlock Holmes has topic about love.

SQUASH: Tigilan mo nga ako sa love love na 'yan. Walang kwenta.

FIVEMONTHS: Do you even believe in God's love?

I stopped when I read his message. Tila may bumarang kung ano sa aking lalamunan. Lagi na lang niya akong napapatigil sa pag-iisip. Hindi dapat ako natatameme dahil isa akong manunulat na maraming sagot sa lahat ng tanong pero ang taong 'to, nagagawa niya akong patigilin. He can make me speechless and lost of words. Hindi naman mahirap sumagot pero wala akong mahagilap sa tama sa 'oo' at 'hindi'.

FIVEMONTHS: See? 'Yan ang mali sayo. 'Yun na lang ang kulang sa mga isinusulat mo. Ang tunay at magaling na manunulat ay magkaiba. Ang tunay na manunulat ay nagsusulat upang magbahagi ng magandang aral sa mambabasa. Ang magaling na manunulat ay nagsusulat gamit lamang ang isip. Kapag ang isang manunulat ay tunay at magaling, doon mo na siya matatawag na inspirasyon. Don't write just to inflict bad attitudes to your readers. Write because you wanted to express yourself and the learning you have learned from your experiences.

Pagkabasa ko ng mahaba niyang message, agad ko nang ini-exit ang wattpad application ko. Hindi ko kinaya ang mga sinasabi niya dahil sapul na sapol. Tumayo ako mula sa swing at naglakad palayo sa lugar na 'yon.

At habang naglalakad ako pauwi ng bahay, ang daming reyalisasyon ang pumasok sa aking isipan. That guy deserves a punch!


#####

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon