WH16

672 36 15
                                    

Kanina pa ako nakatingin sa invitation card ng Zentner talent show na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o magpapasalamat sa lalaking nasa aking harapan ngayon.

I've been dreaming to enter in their company as a talent scout but unfortunately, the day before the audition, I was brought to the hospital because of trauma I've got from my stepbrother. Simula rin noon, ‘di na ako nakapagsalita.

"Miss Tolentino, totoo ang sinasabi ko. Napanood ko ang video mo noon. You're one of the best singers we‘ve heard. ‘Yung na-send mong piece, nasa files pa ng Zentner. I’ll help you find your voice again, just let me." Gusto kong tumawa dahil sa kan'yang sinabi.

       ME: I can’t do it anymore.

Pagkatapos kong itipa ang mensaheng ‘yon, bumuntung-hininga siya. Natahimik ito saglit, pagkunwa’y may inilapag itong notebook sa mesa at iniurong papunta sa aking harapan.

“Someone wrote songs for you to sing. He’s your fan a long time ago. Gusto niya itong ibigay sa’yo nang personal pero hindi niya kaya. May flask drive na nakaipit diyan, nalapatan na ng tunog ang mga kantang isinulat niya. I hope makapag-isip ka. We’re really hoping to see you on our team. You’ll do him a favor kapag nagawa mo.”

I shakes my head.

    ME: Nagkamali ka ng taong
            nilapitan. There are many
            good singers out there. Bakit
            ako? Hindi na ako
            makakapagsalita kahit
            kailan kaya huwag na
            kayong umasa.

Ayaw ko na ring umasa sa wala. I tried to heal myself but I ended up with nothing. Itinuon ko na lamang noon ang aking atensyon sa pagsusulat.

“My bestfriend has a lung cancer,” he blurted out after a while. Gulat akong napatingin sa kan'ya. “May taning na ang buhay niya, and I wan’t to help him. Nagkataon na ikaw ang babaeng hinahanap niya. I hope you can make him happy before he will leave this place.”

Somehow, I felt a pang of pain and guilt. “I’m telling you this not only for my friend but also for you Miss Tolentino. Lumalaban pa siya kahit na malala na ang kan'yang kalagayan, sana ikaw rin.”

Nang makaalis ang lalaki, napuno ng mga bagay-bagay ang aking utak. Habang nagpapahinga ako, nakatingin lamang ako sa flask drive na nasa harapan ng aking computer. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim bago isinaksak ang flask drive sa laptop. Nang mag-loading, binuksan ko ang mga files. There are five microsoft word document and a folder named ‘Arranged’. Una kong binuksan ang nakalagay sa ‘drafts’. Pagka-klik ko, tumambad sa akin ang isang awitin.
               
         🎶KAPIT LANG TAYO🎶

Verse I:
Paano ko nga ba sisimulan,
Kung sa una pa lang,
mayro’n nang hangganan?
Ang hanggang dulo,
paano ko nga ba paninindigan?
Hanggang saan dapat lalaban?

Verse II:
Biyak nating mundo, pinag-isa,
Pinagbuklod ng
sakit at pag-iisa
Ngunit ang buo ay
unti-unting nagkakapiraso
Tadhana pa lang, sumuko na…

Refrain:
Sa kaunting pag-asa’y kakapit
Kahit paulit-ulit,
Iindahin ko ang sakit
Sisikapin kong ngumiti
Sa likod ng pusong napupunit…

Chorus:
Kapit lang tayo,
Madilim na tadhana’y magbabago
Magpapatangay  sa hangin,
Daluyong ng dagat tatawirin
‘Di na iisipin kung saan dadalhin.
Lilimutin ang madilim na kahapon,
Sasabay sa bugso ng alon.
Kapit lang tayo.

WRITER'S HOUR (PUBLISHED under IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon