Chapter 55: Run Away

Start from the beginning
                                    

“Tito sorry po pero pwedeng dito muna ako?” kumalas ako sa yakap niya at tiningnan siya.

Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay tumango na lang ito at niyakap ako.

“May problema kayo ng asawa mo no? Doon tayo sa loob ng kumbento at nang makapag-usap tayo” yaya niya sa akin at pumunta nga kami doon.

Doon nga kami nag-usap. Kinuwento ko sa kanya lahat. Mula nung magkita kami ni Henry at yung tungkol kay Charles. Hindi ko rin maiwasang hindi mapaluha nang kinukwento ko kay Tito ang mga nangyayari.

“Alam mo, pareho kayong may mali. Huwag niyo hayaang patagalin pa yang gusot niyo. Ayusin niyo agad yan sa lalong madaling panahon. Hindi ako makikialam sa inyo pero pwede kitang tulungan” yun lang ang sinabi niya matapos niya akong ihatid sa aking pansamantalang magiging kwarto.

Alam ko naman yun eh. Pero hindi muna sa ngayon.

KELLY’S POV

 

Nagkakagulo na ang mga kasama ko dito. Saan ba kasi nagpunta si Euphy at bigla na lang umaalis nang hindi nagpapaalam?

“BAKIT BA KASI HINDI NIYO GINAGAWA NG MAAYOS ANG TRABAHO NIYO?! PAANO NIYO HINAYAANG UMALIS ANG PASYENTE NIYO” sigaw ni Kuya sa mga nurse, sinama pa yung guard. Pati nurse at guard pinapagalitan niya.

“S-sir, huminahon po kayo. M-may CCTV po ang ospital namin..” sagot nung guard.

Hindi na pinatapos pa ni Kuya na magsalita pa yung guard.

“May CCTV nga per makikita ba dun kung san siya nagpunta? Kung nasaan na siya ngayon?!” ako na talaga ang naaawa sa guard na napapagalitan ni Kuya.

“Kuya enough of that! Walang sinuman ang may kasalanan sa mga nangyari. Siguro naiinis na si Euphy kasi araw-araw mo na lang siyang ginugulo kaya ayun nilayasan ka” I said while mocking him.

“Stop” hala napikon sa sinabi ko.

“Totoo naman yun eh. Nagconclude ka kaagad ng kung anu-ano, wala naman palang relasyon sina Euphy at.. H-henry” sabi ko habang nauutal na sabihin ang pangalan niya.

Napasapo na lang si Kuya sa noo niya.

“Saan ko siya hahanapin ngayon?” tanong nito sakin.

“Bakit hindi mo tanungin yung Tito ni Euphy. Yung pari? Malay mo nandun siya?” tumango naman ito pero napailing ulit.

“Paano kung wala siya dun? Magagalit sakin ang Tito niya at mag-aalala yun!”

“Try mo lang!”

“Fine” tumayo na ito at kinuha ang cellphone nito. Lumabas siya para makasagap ng signal. Mahina kasi ang signal dito sa loob.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now