Chapter 55: Run Away

Start from the beginning
                                    

Bigla na lang akong napangiti habang nagsasalita.

“Pero nung mas nakilala ko siya, hindi naman pala siya ganun kasama. Ganun lang talaga siya kasi ayaw niyang ipakita sa lahat ang kahinaan niya. Kahit mayabang, sweet naman siya kaya nahulog agad yung loob ko sa kanya.”

“Ang hindi ko lang matanggap ay...” may namumuo na namang mga luha sa mata ko kaya pinigilan ko muna ang pagsalita. “bakit wala siyang tiwala sakin kung mahal niya daw ako?”

Naalala ko ulit yung aksidente. Kung marunong siyang makinig, hindi sana kami hahantong doon. Minsan nga iniisip ko kung totoo ba yung mga sinabi niyang mahal niya ako kasi parang ayoko nang maniwala. At saka, akala ko ba ayaw niiya kay Alice? Eh anong ginagawa nung babaeng yun sa kwarto niya sa ospital?

Ipinilig ko ang ulo ko. Change topic na nga baka maiyak pa ako.

Pinilit ko ang ngumiti.

“Saka nga pala Ma, pinatawad ko na si Henry. Nagkita kami, hindi ko alam na bestfriend siya nung... a-asawa ko. Narealize ko kasi na hindi ko naman kailangang dalhin ang galit ko sa kanya habang buhay, sinadya niya man o hindi, tapos na yun hindi na maibabalik pa. Tutuparin ko yung hiling ni Uncle na sana magkasundo kaming magpinsan at susubukan ko yon”

Nagstay pa ako dun ng ilang oras at nag-offer din ako ng prayer sa kanilang dalawa. Napagdesiyunan kong umalis na nang narealize ko na nagugutom na talaga ako.

Umalis ako ng sementeryo at naghanap muna ng makakainan. Pagkatapos nun ay sumakay ako ng jeep. Hapon na at isa lang ang lugar na pwede kong matuluyan. Medyo malayo pa dun dito sa hometown ko pero ayos lang. Dito kasi wala na yung bahay namin. Binenta na kasi ito at may iba nang nakatira.

Matapos ang ilang oras ay nakarating din ako sa kabilang bayan. Dito sa San Rafael. Dito kasi naassign bilang kura paroko ang tito ko at dito ko rin balak tumuloy muna hanggang.. hindi ko alam. 

Basta ang alam ko sa ngayon, ako na mismo ang bibigay ng space sa kanya.

Ayoko munang bumalik sa Manila. Gusto ko munang bumalik sa buhay probinsiya.

Pumasok ako ng simbahan at doon ko nakita ang Tito ko na may kausap na ilang madre. Nanatili muna ako sa likuran hangga’t sa matapos ang usapan nila.

Maya’t maya pa ay nagpaalam na yung mga kausap niya. Tumalikod na ito papalayo pero tumakbo ako papalapit sa kanya at tinawag siya.

“Tito!” lumingon ito at nagulat siya nang makita ako.

“Diyos ko Euphy. Anong ginagawa mo dito? Teka, anong nangyari sayo? Ba’t may sugat yang noo mo?” hinawakan ko ang galos ko sa noo ko.

“Ah, ano po kasi. N-naaksidente ako” mahina kong sambit.

“ANONG—“ hindi niya na naipagpatuloy yung sinasabi niya dahil bigla na lang akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now